^

PSN Opinyon

Destabilization vs PBBM sa socmed

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Umaariba na ang destabilization laban kay Presidente Bongbong Marcos.

Sandamakmak ang mga tuligsa sa Presidente sa social media. At ang mismong gumagawa ay yung mga vloggers na sumuporta sa kanya noong eleksiyon.

Ang matinding banat sa administrasyon ay ang talamak na korapsyon sa gobyerno at ang pagiging adik daw ni Bongbong. Na ang nagpapatakbo ng pamahalaan ay hindi siya kundi ang kanyang asawang si Lisa na siya raw ang namumuno sa mga sindikato sa smuggling.

Pati, anila, ang mga lutong makaw na panalo sa lotto ay ang First Lady ang may kagagawan. Hindi puwedeng ded­mahin lang ni Marcos ang mga akusasyong ito.

Kung sana ay hindi nagdaranas nang matinding hirap ang taumbayan bunga ng di masawatang pagtaas sa presyo ng bilihin, puwedeng isipin ng tao na ang mga batikos ay pawang paninira lamang.

Kapag ang tao ay unti-unting nakumbinsi sa katotohanan ng mga alegasyon, malamang maulit ang EDSA 1 na siya mismong nagpatalsik sa rehimen ng kanyang amang si Ferdinand Sr.

Ang dating avid supporter ni Bongbong na si Claire Contreras o Maharlika ay nananawagan na para sa isang peaceful assembly upang puwersahing bumaba sa puwesto si Marcos.

At tila ang mga kapanalig ni Apollo Quiboloy ang unang tutugon sa panawagang ito habang sila’y nagtitipon na sa Davao. Pati ang isyu kay Quiboloy at sa napatalsik na kon­gresistang si Arnie Teves ay iniuugnay sa isyu laban kay Marcos.

Kaya dapat nang lumantad si Marcos upang tahasang pasinungalingan ang mga ibinabato sa kanya. Pero ang mga accusers ay pinamamarali na mayroon silang mga dokumento, plus video na magpapatunay sa alegasyon nila.

Parang bahagi na ng political culture natin ang people power. Kailan pa magkakaroon ng kaayusan sa ating lipunan?

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with