^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Siguruhin, kaligtasan ng mga bibiyahe

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Siguruhin, kaligtasan ng mga bibiyahe

DAGSA ang mga umuuwi sa probinsiya—mga sasakay sa eroplano, bus at barko para gunitain ang Semana Santa. Kahapon, mahaba ang pila sa mga bus stations. May mga pasahero na sa station natulog para masigurong may masasakyan. Maski sa NAIA ay tambak ang mga pasahero. Sa mga pantalan, dumagsa ang mga magta­tawid-dagat. Doon na rin natulog ang karamihan para lamang makasakay.

Sa lahat ng public transportation, sinasabing ang pag­biyahe sa pamamagitan ng bus ang pinakadelikado lalo pa kung malayo ang destinasyon. Kaya may mga bus company na may karelyebo ang driver para maiwasan ang aksidente. Kadalasang human error ang dahilan kaya na­aaksidente ang bus.

Isa rin sa mga dahilan kaya bumabangga ang bus ay dahil lasing sa alak ang drayber at mayroon namang lango sa ipinagbabawal na droga. Kamakalawa, sorpresang nag­karoon ng random drug test sa PITX bus terminal sa Para­ñaque at dalawang drayber ang nagpositibo. Posibleng matanggal sila sa trabaho at mabawian ng lisensiya.

Maraming bus din ang nawawalan ng preno. Kapabayaan ito ng bus company at mismong driver sapagkat itinuloy pa rin niya ang pagbiyahe sa kabila na dispalinghado ang preno ng bus. Kagaya nang nangyari noong Disyembre 12, 2023 na nahulog sa bangin ang Ceres bus sa Hamtic, Antique na ikinamatay ng 19 na pasahero. Ayon sa mga nakaligtas na pasahero, mabilis ang takbo ng bus habang nasa kurbada kaya nawalan ng control ang drayber.

Noong Lunes, isang pampasaherong van at isang dump truck ang nagbanggaan sa national highway sa Barangay Lohong, Antipas, Cotabato na ikinamatay ng 17 pasahero. Nasunog pa ang van na ikinamatay ng mga pasahero. Ayon sa pulisya, may kargang bato at buha­ngin ang truck nang mabangga ang van.

Ayon sa report ng World Health Organizations (WHO), 1.3 milyong katao ang namamatay taun-taon sa buong mundo dahil sa aksidente sa kalsada. Sa Pilipinas, 32 katao ang namamatay araw-araw dahil sa aksidente sa kalsada. Ang mga malalagim na aksidente ay isinisisi sa mga walang disiplinang drayber na nagpatuloy na nagmaneho kahit nalalaman nilang may problema ang sasakyan. May mga drayber na nasa impluwensiya ng alak at bawal na droga.

Isulong din naman ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-educate sa mga kukuha ng driver’s license para hindi sila maging mitsa ng mga aksidente sa kalsada. Marami ang nakakakuha ng lisensiya kahit walang kamuwangan sa mga batas trapiko.

Siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero lalo nga­yong panahon ng Semana Santa at iba pang okasyon na umuuwi sila sa probinsiya. Maiiwasan ang sakuna kung may sistema at nasa tamang pag-iingat.

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with