^

PSN Opinyon

Digital skills training, libre sa Mandaue City!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAPALAD ang mga kabataan mula sa Mandaue City na ma­pi­piling mabigyan ng libreng pagsasanay sa digital skills. Ang ibig sabihin walang gagastusin kahit singkong duling­ ang mga magulang ng mga batang ito. E di Wow!! Ito ay matapos makipag-ugnayan ang advocacy group na Philippine Business For Education (PBEd) sa local na pamahalaan ng Mandaue sa pagpapatupad ng programang tinatawag na Future Skills Now (FSN). Noong nakaraang Pebrero, nagpirmahan ang PBEd at Mandaue local government sa pangunguna ni Mayor Jonas Cortes ng memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng FSN na naglalayong mabigyan ng skills training at magkaroon ng trabaho ang mga kabataan.

Ang FSN ay bahagi ng global effort ng JP Morgan Chase upang maihanda ang mga kabataan sa trabaho sa hina­harap. Layunin ng programang FSN  na matugunan ang kakula­ngan sa itinuturing na high-growth industries tulad ng IT-BPO, analytics, finance, health, creative and digital sectors. Ito ay nakatuong tulungan ang mahihirap na kabataan, edad 18 to 28, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinaka­ilangan work-based training at mentorship ng mga industry experts, na magbibigay ng pagsasanay upang sila ay maging handa sa trabaho. Base sa datos ng International Labour Orga­nization (ILO) tinatayang 18 million trabaho sa Pilipinas ang nakatakdang ma-automate. Eh paano mapupunan ang milyones na trabahong ito kung hindi mabibigyan ng pag­sasanay ang mga kabataang Pinoy.

“Upskilling and getting certified from accredited training­ programs gives young individuals a competitive edge in the labor market,” sabi ni PBEd executive director Justine Raagas. “By equipping them with in-demand digital and tech­nical competencies, young individuals will be able to navigate and step foot in the professional world with more confi­dence and readiness,” dagdag pa nito.

Sa pilot-test ng FSN, 150 kabataan mula sa Mandaue City College ang masuwerteng nabigyan ng libreng pag­sa­sanay sa digital skills at siyempre inaasahang makakukuha sila ng trabaho sa lalong madaling panahon. Kabilang sa mga pag-aaralan ng mga napiling kabataan ay digital literacy, data analytics, and generative artificial intelligence. Nose bleed ba kayo mga kosa sa mga topics? Kayang-kaya ng mga bata sa ngayon ‘yan, di ba mga kosa? Makikinabang din sa libreng pagsasanay ang mga kabataan mula sa SOS Children’s Village sa Cebu.

Pagkatapos ng skills training ay isasailalim ang mga kabataan sa digital-related job internship with Foundever Cebu, upang mapraktis ang kanilang bagong natutunan. “We’re fortunate to have PBEd as our partner in our goal of raising more productive citizens in Mandaue,” ani Cortes. “This is a promising opportunity not just for our Mandaue City College graduates, but the youth of Mandaue who will be assisted by our PESO. I see this collaboration, not just as simply providing basic education or skills training, but also providing greener pastures,” sabi pa ni Cortes. Abangan!

vuukle comment

DIGITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with