^

PSN Opinyon

May aalma at papalag sa Abril

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA Abril 15, hindi na puwede ang e-bikes at iba pang ka­uring transportasyon sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA, Quezon Avenue, Roxas Blvd., Katipunan Ave., Ortigas­ Ave., Rizal at Taft Ave. at iba pa. May kumpletong listahan sa website ng MMDA.

Huhulihin at may multa ang mga lalabag. Kailangan may lisensya rin ang mga gagamit ng e-bikes. Kapag walang lisensiya ay mai-impound ang kanilang sasakyan. Dahil sa kautusan, hindi puwede ang mga bata na gumamit ng e-bikes. Edad 18 ang pinapayagang kumuha ng lisensya para magmaneho ng sasakyan.

 Nilinaw na rin ng MMDA na ang bike lanes ay para sa mga bisikleta lamang, at hindi magagamit ng mga sasakyan­ na umaandar sa pamamagitan ng motor. Ang pagkaka­intindi ko rito ay hindi rin dapat ginagamit ng mga motorsiklo ang bike lanes. Pero hindi naman ito naipapatupad dahil wala namang nanghuhuli.

Pinag-aaralan pa rin kung papayagan ang mga motor­siklo na gumamit ng bike lanes sa EDSA. Pero sa EDSA lang pinag-aaralan, hindi lahat ng bike lanes sa Metro Manila. Dapat linawin din ng MMDA na kung dalawang lanes lang ang kalsada, halimbawa ang Aurora Blvd., kung puwede na rin ang mga motorsiklo at kotse na pumasok sa bike lanes kasi wala nang lugar.

 Ilalabas daw ng MMDA ang mga detalye ng bagong patakaran bago mag-Abril 15. Sana lang ay hindi na naman ningas kogon ang MMDA at sa simula lang magiging mahigpit. Dapat may mga enforcers sa mga pangunahing kal­sada para ipatupad ang patakaran. Maraming lumalabag­ sa bike lanes.

May mga video pa nga kung saan ang naka-motorsiklo pa ang galit sa mga bisikleta dahil mabagal sila sa bike lanes. Dapat huli kaagad ang mga iyan. Kung pangbisikleta nga ang bike lanes, anong karapatan nilang magalit kung hindi­ sila makaraan? Bawal naman silang gumamit ng bike lanes di ba?

Di ako magtataka kung may aalma pagsapit ng Abril 15. May mga papalag din diyan kapag hinuli. Pero kailangan na talagang magpatupad ng disiplina sa kalsada. Dahil sa rami na ng sasakyan, hindi na naiisip ng iba na sumunod sa batas trapiko. Hindi na malayong magkaroon ng aksidente.

vuukle comment

EDSA

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with