^

PSN Opinyon

Higpitan ang patakaran

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Maraming videos ang lumalabas online kung saan kinu­kunan ang mga e-bike, e-trike at e-scooter sabay reklamo na hindi sila dapat nagdaraan sa mga kalsadang maraming sasakyan, partikular sa national roads dahil­ mabagal­ sila at walang kalaban-laban kung sakaling­ maaksidente. Marami pa nga, mga bata ang nagmamaneho.

Lahat iyan, walang lisensiya, hindi rehistrado ang sasak­yan. Kaya ang tanong, panahon na ba para ipagbawal sila sa mga pangunahing kalsada, kailanganing iparehistro at dapat lisensiyado ang magmamaneho?

Sa tingin ko, dapat lang. Una, kailangang ipagbawal silang dumaan sa mga pangunahing kalsada o national highways. Nalaman ko na ang mga local government units (LGUs) ang dapat nagpapatupad niyan sa kani-kanilang lugar.

Kailan lang ay ipinaalala ng DILG sa lahat ng LGU na mahigpit na ipatupad ang pagbawal ng mga tricycle, pedi­cab gumamit ng national highways. Ngayong laganap na ang paggamit ng mga de-bateryang sasakyan tulad nga ng e-trikes, kailangang kumilos na rin ang mga LGU hinggil dito at pagbawalan na rin.

Pangalawa, hindi dapat pinapayagan ang bata na mag­maneho ng mga ito. Hindi ko alam kung bakit pinapayagan ng mga magulang nito gumamit ng mga sasakyang iyan sa pampublikong kalsada. Ano ang laban nila kung maaksi­dente? At ano ang pananagutan nila kung sila ang maka­aksidente? Hindi laruan ang mga iyan para gamitin sa pam­publikong kalsada.

Pangatlo, kung gumagamit din lang sila ng mga pampublikong kalsada, kailangan rehistrado na ang mga iyan, at dapat lisenyado ang gumagamit. May iba, ginagamit na ring pampasada at naniningil sa sumasakay.

Noong Pebrero 5, sinimulan ng LGU ng San Mateo, Rizal ang paghuli sa mga e-trikes, tricycle at pedicab na nag­daraan sa national highway. Kapag unang beses mahuli ang tricycle ay multa kaagad ng P2,500. Ganundin para sa pangalawang huli at kapag nahuli ng pangatlong beses, babawiin na ang prangkisa o lisensiya. Mga e-trikes ay multa kaagad ng P2,500.

Sana maraming LGU ang sumunod na rin at maglabas ng mahigpit na patakaran hinggil sa paggamit ng mga sasakyang ito. Dapat bantayan ng DILG kung pinatutupad nga ang mga batas. Para rin naman sa kaligtasan ng mga nagmamaneho at nakasakay.

vuukle comment

E-BIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with