^

PSN Opinyon

Mga taktika ng China

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang Biyernes, nagsagawa ng joint patrols ang barko ng U.S. at Pilipinas sa West Philippine Sea bilang bahagi ng maritime cooperative activity (MCA) sa pagitan­ ng Manila at Washington. Nakita nila ang dalawang barko ng People’s Liberation Army (PLA)-Navy. Ipinapalagay nila na ang mga barko ng China ay nagmamasid gaya ng kani­lang nakagawian kapag nasa paligid ang mga barkong pan­digma ng U.S.

Sinabi ng tagapagsalita ng Navy para sa West Philip­pine Sea Commodore na si Roy Vincent Trinidad na walang ibang “hindi inanyayahang bisita” tulad ng Chinese Coast Guard (CCG) o kanilang maritime militia ang natanaw.

Dito nakasalalay ang mga taktika ng Chinese. Kapag ang ating mga sasakyang pandagat, maging ang ating­ Coast Guard, research vessel, o mangingisda, ang CCG ay nag­sa­­sagawa ng ilang uri ng panliligalig sa kanila. Maging ka­sing simple ng paglapit sa kanila sa mas agresibong pag-uugali tulad ng paggamit ng mga water cannon o pag­harang­ hanggang sa magkatamaan.

Ngunit kapag ang ating hukbong karagatan ay nag­sa­­sagawa ng mga pagsasanay sa West Philippine Sea kasama ang U.S. Navy, nagpapadala naman sila ng mga barkong pandigma upang masubaybayan ang ating patrols. Sa partikular na ehersisyong ito, walang nangyaring hindi kanais-nais na insidente. Nagpadala ng karaniwang mga hamon sa radyo ang mga Chinese, ngunit ang ating mga barko ay tumugon nang naaayon.

Bakit hindi sila gumamit ng parehong mga taktika tulad­ ng paggamit ng mga water cannon o pagharang? Dahil­ ba hindi nila kayang takutin ang mga Amerikano at maaari lamang silang manggulo at manakot sa atin? Kung ganoon ang sitwasyon, dapat ay magkaroon tayo ng mas madalas na joint patrols gaya ng saklaw ng MCA.

Ang Chinese PLA Navy ay hindi makikipag-ugnayan sa mga barkong pandagat ng Amerika sa kung paano naki­kipag-ugnayan ang kanilang CCG sa ating mga barko kapag sila ay naglalayag nang mag-isa. May salita para riyan.

 Kailan lang ay nagbabala ang China sa bansa na “hindi dapat paglaruan ang apoy” pagkatapos sabihin ni Defense Sec. Teodoro na gusto niya ng mas maraming presensiya ng militar sa Batanes, ang pinakahilagang lalawigan ng bansa, na malapit sa Taiwan.

Tumugon si Teodoro sa pagsasabing ang Batanes ay teritoryo ng Pilipinas at walang karapatan makialam o magbabala ang China sa kung anuman ang gagawin sa lalawigan. Kailangang itigil ng China ang pag-iisip na manginginig tayo sa ating kinatatayuan tuwing magbabala sila.

 Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating palakasin ang ating mga alyansa. Nasa tamang landas ang administrasyon ni President Bongbong Marcos Jr. hinggil sa foreign policy, partikular sa pinakamatagal nating kaalyadong U.S. Bagay na medyo nalihis ng nakaraang administrasyon.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with