^

PSN Opinyon

Abusong paggamit ng kapangyarihan

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Hindi makikialam ang korte sa imbestigasyong ginagawa ng mga taga-usig kung walang grabeng pag-aabuso sa pag­papasiya sa imbestigasyon. Kaya hindi mauutusan ng korte ang taga-usig na akusahan ang isang tao. Ito ang ipaliliwanag sa kaso ni Romy.

Si Romy ay nasa pag-aalaga ng isang ahensya ng mga madre dahil mahina ang pag-iisip niya. Noong siya ay isang taong pa lamang ang mag asawang Jorge at Lina at mga anak nila ay nakilala si Romy at inalagaan ito sa kani­lang bahay ng ilang araw. Pagkaraan ay binalik na nila ito sa bahay ampunan ng mga ulila, sa pangangalaga ng mga madre dahil napansin nila si Romy at tila may depekto at hindi siya makalakad. Gumagapang lang siya na parang palaka at ‘di makapag-salita.

Noong limang taon na siya, nakaramdam siya ng kahirapang matuto. Kaya nung labing isang taon na siya dinala siya sa isang neurologo at sikologo upang suriin at napag-alaman na siya ay may sakit sa utak at pag-iisip kaya siya ay nilipat sa iskuwela ng mga batang may sakit sa utak.

Noong 24-anyos na siya, dinala siya ng mag-asawa sa isang doktor. Matapos ang pagsusuri ng doktor tinanggalan siya nito ng kapangyarihang makipagtalik at magkaanak (vasectomy).

Makaraan ang limang buwan, dinemanda na ni Nina, na anak nila Jorge at Lina, ang doctor ng krimeng palsi­pikasyon, mutilasyon at pag-abuso sa bata.

Ngunit ayon sa taga-usig wala raw sapat na ebidensiya para isakdal ang doktor ng mga nasabing krimen. Ito ay kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) at ng Court of Appeals (CA). Tama ba ang CA?

Tama sabi ng Supreme Court (SC). Ayon sa SC ang va­sectomy­ ay ‘di naman nagtatanggal sa isang tao ng kapang­­yarihang magkaanak kaya ito ay hindi isang kri­meng mutilasyon o pagsira ng kapangyarihan magkaanak. Hindi nito tinatanggal ang kasangkapan ng reproduksyon o panganganak. Sabi ng SC ang mga korte ang makakapagpasya lang kung may kasalanan o walang sala ang isang tao pero wala silang kapangyarihang isakdal ang isang tao maliban na lang kung inabuso ng taga-usig ang pag-iimbestiga o pagsasakdal ng krimen ang isang tao (Aguirre vs. Secretary, Department of Justice, et. Al. G.R. No. 170723, March 3, 2008).

vuukle comment

KORTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with