^

PSN Opinyon

Mga Batang Makatizen, angat sa mataas na kalidad ng edukasyon

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Proud akong ibalita sa inyo na pagdating sa edukasyon, hindi talaga nahuhuli ang mga Batang Makatizen.

Isang malaking tagumpay ang nakamit ng Benigno Ninoy Aquino High School (BNAHS) sa Makati sa Program for International Student Assessment (PISA) report para sa taong 2022. Ito ang tanging pampublikong paaralan sa Makati na lumahok sa nasabing pandaigdigang pagsusulit, at nag-iisang pampublikong paaralan sa Metro Manila na pumasa sa Level 2 base sa assessment ng PISA.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng mga natatanging programang pang-edukasyon na patuloy na pinag-iisipang mabuti at pinaglalaanan ng malaking pondo ng pamahalaang lungsod taun-taon. Proud moment ito para sa akin dahil indikasyon ito kung gaano kaganda at ka-advanced ang ating public school system sa Makati.

Matatandaan na dalawang taon pang nawalan ng face-to-face classes ang mga bata noong nangyari ang COVID-19 pandemic. Pero bago pa man ang pangya­yaring ito ay naglaan ang lungsod ng P31 milyon para sa pagpapatupad ng Project MILES (Mathematics Intensive Learning Enhancement for Students) para sa mga batang Grade 1 hanggang Grade 10.

Sa ilalim ng Project MILES, sumailalim sa masusing pagsasanay ang mga  estudyante sa Mathematics upang malinang at mapahusay ang kanilang numeracy skills. Bahagi nito ang Saturday classes at online sessions na pinangasiwaan ng nasa 700 guro. Bukod sa pagsagot ng lungsod sa honorarium ng mga guro, pinondohan din natin ang paggawa ng angkop na learning materials ng DepEd Makati na ipinamahagi nang libre sa lahat ng mga mag-aaral na lumahok sa Project MILES.

Ito ang naging tugon namin sa pangangailangan ng mga mag-aaral na nahihirapan sa Math ngunit walang pambayad para sa mga special training program na may sinisingil na fee. Ang investment naming ito ay patunay ng buong puso naming kumpiyansa sa kakayahan at talino ng batang Makatizen.

Malaking bagay din ang pagsali nila sa online sessions ng Project MILES dahil mas mabilis silang nakapag-adjust noong nagkapandemya.

Nang biglang ihinto ang face-to-face classes, agad tayong nakipag-ugnayan sa DepEd Makati para makagawa ng paraan upang magpatuloy ang edukasyon ng kabataan. Isa na rito ang Dyip ni Maki Mobile Learning Hubs na mabilis nating binuo para mag-ikot sa mga barangay at makapagbigay ng suporta sa mga estudyanteng walang internet access o anumang smart gadget. Ang mga pampasaherong jeep ay kinonvert natin at nilagyan ng internet connection, mga laptop at learning materials. Sakay din ng mga ito ang ilang mga guro na nagturo at gumabay sa mga mag-aaral pati na sa kanilang mga magulang.

Noong nakaraang taon, nanguna ang Makati sa regional Test of Functional Academic Skills (TOFAS) na isinagawa ng DepEd. Patuloy ring nakakamit ng mga pampublikong paaralan sa Makati ang mataas na ranking sa taunang National Achievement Test (NAT).

Sa mga susunod na buwan ay marami pa tayong ilulunsad na natatanging inisyatiba katuwang ang DepEd Makati. Gusto kong lahat ng public schools ng Makati ay mag-top sa iba pang mga pagsusulit at maging maganda ang performance sa pangkalahatan.

***

Nakisaya ang aking pamilya sa 3-day Lunar New Year celebrations sa Glorietta Activity Center noong February 9. Enjoy si Martina sa lion at dragon dances, cooking demonstration ni Chef Zhang Hong, at of course food samplings ng napakasasarap na Chinese food.

Bongga ang event na ito lalo na’t nandoon sina Ambassador Huang Xilian, Ayala at Glorietta executives, city councilors at department heads, at representatives mula sa mga partner hotels and establishments natin sa Makati. Fiesta atmosphere nga talaga dito at kahit hindi ka na magpunta ng Chinatown ay mararamdaman mo ang essence ng Lunar New Year festival.

Marami pa tayong masasayang pagdiriwang at sorpresa sa mga susunod na buwan. Abangan!

vuukle comment

MILES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with