^

PSN Opinyon

Isulong ang karapatan ng mga bata

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Dalawang event ang naging tampok sa pagdiriwang ng National Children’s Month sa ating siyudad. Una ay ang selebrasyon ng World Children’s Day 2023 kung saan nakatuwang ng lokal na pamahalaan ang UNICEF Philippines para bigyang diin ang papel ng mga kabataan sa climate action. Ikalawa, inilahad ko sa ating State of the City’s Children Report ang mga kinakaharap na hamon ng kabataan at ang mga plano’t programa kung paano ito reresolbahin.

Lubha akong naalarma sa ulat na No. 2 na ang Pilipinas, kasunod ng India, na pinagkukunan ng mga video at litrato na may kaugnayan sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC). Lantad din sa online sexual abuse ang karamihan ng mga batang Pinoy. Ang nakababahala, mismong promotor pa minsan ay kanilang mga magulang.

Ayon naman sa Department of Justice, umakyat ng 264% ang bilang ng mga kasong nai-report sa kanilang Cyberline Trip Hotline on Child Sexual Abuse Materials o CSAM noong 2020. Ang mga datos na ito ang nagtulak sa akin kung bakit idineklara ko sa nakaraang anti-OSAEC Conference na ang ating lungsod ang magiging sentro ng laban kontra sa pang-aabuso sa ating kabataan. Isa sa mga problema ay ang kakulangan ng updated na database at monitoring system para sa Children-At-Risk (CAR) at Children In Conflict with the Law (CICL).

Tutugunan natin ito sa pagpapalawak ng QC Unified Referral System para magamit ng kaukulang ahensiya gaya ng Social Services Development Department, Quezon City Police District, Quezon City Protection Center, Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council, Department of Education-Schools Division Office, at lahat ng 142 barangays. Pa­iigtingin din natin ang information dissemination ukol sa ating Help­line 122 para maipaabot ito sa mas maraming kabataan. Palalakasin din natin ang mga programang pangkalusugan at edukasyon para matugunan ang pangangailangan ng mga kabataan.

Ngayong may mga bagong halal na tayong mga opisyal ng Sangguniang Kabataan, hihikayatin natin silang tumulong sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para matugunan ang problema sa OSAEC. Patuloy rin nating tututukan ang problema sa malnutrisyon, child labor at climate change na ang direktang naaapektuhan ay mga bata. Gagawin ng lokal na pamahalaan ang lahat para manatiling child-friendly ang Quezon City.

vuukle comment

UNICEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with