^

PSN Opinyon

E-lotto operators, binabalasubas si BBM at mga mananaya!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

BINABALASUBAS ng e-lotto operators ang gobyerno ni President Bongbong Marcos at ang mga suking Pinoy. Hindi nagbabayad ng buwis ang e-lotto operators dahil hindi sila saklaw ng kahit anong ahensiya ng gobyerno ni BBM. At higit sa lahat dinadaya nila ang kanilang mananaya dahil walang tumatama dito o dili kaya’y ang mababang taya lang ang may premyo. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya tumatabo nang husto ang e-lotto operators dahil tago ang operations nila sa Small Town Lottery (STL), ang isa sa mga palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Kaya kahit nagsampa na ng kaso si PCSO General Manager Mel Robles laban sa kompanya na nagnakaw ng kita nila na aabot sa P4.7 bilyon, wa epek pa rin ito sa mga e-lotto operators. Mismooooo! Hehehe!

Habang picking apples lang itong mga e-lotto operators, pababa naman ang kita ng STL, at nakakatakot dahil dumadami na silang nag-ooperate sa Pinas.

Para sa kaalaman ni Robles, may ginagamit na gadget ang sindikato ng e-lotto operators na isinasaksak sa makina sa draw court ng STL, ayon sa mga kosa ko. Ang gadget, anila, ang ginagamit para dayain ang bola ng mga mananalo at siyempre ang palaging lumalabas na numero ay ‘yung mababa o walang taya. Sa estilong ito kawawa ang mananaya. Ano pa nga ba?

Ayon sa mga kosa ko, ang STL ay parang larong jueteng lang. Kaya lang kung sa jueteng at numero ay 1-37 sa STL naman ay 1-40. Kaya ang tatlong numerong dagdag ay libo ring kumbinasyon kaya mahirap nang tamaan ito. Tapos ginamitan pa ng gadget. Araguuyyyyy!

Tulad ng e-sabong, online ang tayaan sa e-lotto, kaya hindi mahuli-huli ng pulisya dahil walang batas na nakaukol laban sa operation nila.  Halimbawa, kapag ang isang adik sa sugal ay tataya, pipindutin lang nila ang link ng e-lotto sa kanilang gadget at presto, mapupunta na ito sa kubrador.

Kung ang kubrador naman ay nakakalap ng taya na P2,000, less 35 percent o P1,300 ang ipapasok nito sa kanyang kabo. Kukunin din ng kabo ang 5 percent at ipapasa sa e-lotto management ang natirang pera sa pamamagitan ng digital wallet. Juice ko po! Kaya mahirap alamin ng pulisya dahil puro gadget lang ang gamit. Walastik! Kasama sa tatanggapin ng management ang mga numerong tinayaan ng mga adik sa sugal. Dipugaaaaa!

Sa ganitong sistema, ayon sa mga kosa ko, malalaman ng management kung anong kumbinasyon ang walang taya o kokonti lang ang taya. Dito na gagana ang gadget ng mga tiwaling e-lotto operators.

Sinabi ng mga kosa ko na ang gadget ay isasalpak sa isang parte ng makina ng draw court ng STL at presto mamadyik na nila ito at ang lalabas na numero ay kokonti ang taya o walang taya. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya ang tumatabo rito ay ang e-lotto operators at ang nabababoy ay ang palaro ng PCSO na STL. Tsk tsk tsk! Kilos na GM Robles Sir bago maging huli ang lahat. Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa ngayon, ang naiiwan na lang na kumukubra sa tunay na STL ay ‘yung mga matatanda na hindi marunong gumamit ng gadgets. Eh matututo rin ang mga ‘yan. Malalaman naman ni Robles kung saan nag-ooperate ang e-lotto dahil hindi na makabayad ng kanilang PMRR ang probinsiya na may STL.

Abangan!

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with