^

PSN Opinyon

Ang Universal Health Care at ang PhilHealth

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Gusto kong paksain ang Universal Health Care (UHC) program ng pamahalaan kung saan isa ang PhilHealth sa mga nangu­ngunang tagapagpatupad. Dapat maunawaan ng lahat ang Primary Health Care Network na ang layunin ay mabilis na maihatid sa madla ang pangunang kalingang-pangkalusugan. Ang PhilHealth ay nakikipagkasundo sa mga pribado at pampublikong health care providers na magsasanib-pwersa para bumuo ng mga networks para mas maging episyente ang pagkakaloob ng kailangang health care service sa madla.

Sa pasimula, ang PhilHealth ay makikipag-arrangement sa mga providers ng Konsulta (Konsultasyong Sulit at Tama) alinsunod sa balangkas ng local health system. Ang Primary Care Provider Network o PCPN ang maghihikayat ng mas maraming miyembro sa kanilang pasilidad sa kanilang kinauukulang network. Ang network na ang magsisilbing tagapagpatakbo o navigator ng sistema at mapapabilis ang delivery ng primary care. Sa paraang ito, lalawak at magiging kumpleto ang paghahatid ng serbisyo sa bawat Pilipino.

Mayroon nang pitong PCPN pilot sites (5 public at 2 private). Ang mga ito ay ang lalawigan ng Bataan, Guimaras, Quezon, South Cotabato, at lungsod ng Baguio; LABX at QualiMed naman mula sa pribadong sektor. Ang papel ng primary care provider sa Universal Health Care ay magsisilbing unang depensa sa ano mang sakit ng mga miyembro; magbibigay ito ng kina­kailangang health education sa mga miyembro; hihimukin ang bawat tao kasama ang buong pamilya na maging responsable sa kanilang kalusugan.

Sa pagbuo ng Primary Care Provider Networks inaasahang madaragdagan ang magpaparehistro sa mga Konsulta providers­; darami ang tatangkilik sa Konsulta services; maihahanda ang mga referral at service delivery arrangements;

Magiging simple ang proseso ng komunikasyon ng PhilHealth at mga providers kaya magiging higit na episyente ang operasyon.

Sa pagbabayad sa serbisyo ng mga providers, magkakaroon ng frontloading ng kabayaran base sa deklaradong physical targets sa bawat panahon ng pagbabayad. Ito ay magiging subject sa liquidation alinsunod sa mga alituntunin ng COA. Magandang pagbabago ito. Dati rati, serbisyo muna bago mabayaran. Salamat sa Commission on Audit. Tinataya na ang mga PCPNs na kakalinga sa 2.3 million katao sa badyet na P1.2 billion.

Lahat ng Pilipino ay eligible sa mga benepisyo ng Konsulta. Magparehistro lang sa mga Primary Care Provider Network sa kanilang mga lugar na kinaroroonan. Ang mga PCPN, sa pakikipagkoordinasyon sa PhilHealth ay may laya ring magpatupad ng inaakala nilang mas episyenteng sistema upang pabilisin ang rehistrasyon ng mga benepisyaryo.

Patuloy ring pinagbubuti pa ng pamahalaan ang programa, lalu na sa larangan ng pagbibigay ng specialized treatment sa mga hindi pangkaraniwang sakit. Kahit si Presidente Bongbong Marcos ay nagpahayag ng kagalakan sa progreso ng programa sa pagbibigay ng primary care sa bawat Pilipino. Sa kanyang SONA, sinabi ng Presidente:

“We are working towards a more direct and efficient delivery of services, through integrated primary care providers and networks, in partnership with Local Government Units and the private sector. These shall of course be supported by what is now a better and more efficient PhilHealth.”

vuukle comment

PCPN

UHC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with