^

PSN Opinyon

Sorpresahin mga lumalabag

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ILANG araw na lang matatapos na ang Oktubre. Kapag­ lumipas na ang Undas, mararamdaman na ang panahon­ ng Pasko. Pero sa ngayon, dahil nagsimula na ang kampanya ng barangay elections, nasasapawan muna ang kanta ni Jose Mari Chan ng mga jingle ng mga kumakandidato. Palakasan pa ng sound system ang labanan ngayon. Ganun nga talaga kapag panahon ng eleksyon.

Pero hindi iyon ang nais kong pag-usapan. Kasi nga­­yon pa lang, nagiging matindi na ang trapik sa Metro­ Manila. Kaya dapat ngayon pa lang ay may plano na ang MMDA para sa magiging mas malalang trapik kapag­ papalapit na ng Pasko. Taun-taon nangyayari ito kaya dapat­ alam na ng MMDA ang mga solusyon para ma­lampasan o maiwasan ang trapik, partikular sa mga lugar ng malls.   

 Tinatanong ko na rin ang mga pulis, traffic enforcer at iba pang may tungkulin sa pagpapatupad ng mga batas trapiko, kung bakit maraming lumalabag sa mga batas pero hindi naman nahuhuli o hinuhuli? Babanggitin ko ang Shaw underpass na may bus lane. Napakaraming motorsiklo at pribadong sasakyang dumaraan sa bus lane at magpupumilit bumalik sa nakatakdang hanay ng mga pribadong sasakyan kapag nakalabas na ng underpass. Hindi hinuhuli. Maraming sasakyan ang sumusunod sa hindi paggamit ng bus lane pero nakakalusot naman ang mga lumalabag. Hindi n’yo ba mahuli ang mga iyan, dahil ayaw n’yong bantayan ang lugar na iyan? Magbantay na lang kayo sa mga lugar na kumportable rin kayo.  

 Kailangang ipatupad ang mga batas-trapiko sa lahat ng dinaraanan ng sasakyan. Lalo ngayong papalapit na ang Pasko. Baka dumami lang ang mga kaso ng “road rage” at mauwi pa sa hindi kanais-nais. Huwag nang hintaying may mamatay dahil sa trapik. Kapag mahigpit­ ang pagpapatupad ng batas-trapiko, matatanim ang disiplina sa kalsada. Bagay na tila hindi nangyayari sa atin. Huwag sanang piliin ang mga lugar kung saan mahigpit ang pagpapatupad. Kaya malakas ang loob ng ibang sasakyan na lumabag dahil alam na hindi sila mahuhuli. Sorpresahin sana ng mga awtoridad.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with