^

PSN Opinyon

Ang ating boses ang ating kinabukasan

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Ang ating boses ang ating kinabukasan
A woman dancing at sunset
Image by Jackson David from Pixabay

Isa sa aking mga pribilehiyo bilang mamamahayag at host ay ang pagkakataong ibinigay sa akin na makapanayam ang iba’t ibang tao. Ang bawat isa sa kanila ay may kwentong maibabahagi na talagang kinapulutan ko ng aral. Ang mga karanasan nila ay nagsisilbing daan para mas lumaki ang pag-unawa natin sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Sa pakikinig ko sa kanila, nagkaroon ako ng mas malawak na pananaw na alam kong maibabahagi ko sa inyo. 

Sa pagdiriwang ng Women’s Month, samahan ninyo akong balikan ang mga tumatak na pahayag mula sa ilang kababaihang aking nakapanayam sa aking programang Pamiya Talk (https://vt.tiktok.com/ZS8gUchqh/ and https://vt.tiktok.com/ZS8g7aX9/). Sila ay mga babae na patuloy na inaangat ang ating kasarian. Taos-puso akong nagpapasalamat sa kanila dahil sa pagbibigay nila ng oras sa atin para maibahagi ang kanilang mga opinyon at kaalaman tungkol sa hamon ng mga kababaihan, pagiging ina, women empowerment, at pagmamahal sa sarili — mga paksang nagbibigay din ng mas malalim na pang-unawa ukol sa mga kababaihan. Higit sa lahat, ang mga babaeng ito rin ang nagsisilbing simbolo ng kababaihan at nagbibigay inspirasyon at lakas sa ating lahat sa pamamagitan ng kanilang mga kwento.

maxenemagalona / inkamagnaye on Instagram

On women’s self empowerment

Maxene Magalona 

"Follow what is happening inside. Follow your feelings because they will guide you because your feelings and your emotions, they are your power. They are the magic inside of you. They are what make you human and they are also the ones that give energy to your soul… I learned to embrace my dark side. That's why I am very happy because I know how to experience and express my pain."

"What made me find my soul is when I started surrendering to the idea that I am not in control. I am only human… I have to accept that what I am doing is enough… I know that I am worthy because I work on myself."

Inka Magnaye 

“Gusto ko empowered sila to make themselves happy. Gusto ko na malaman nila na hindi nila kailangan mabuhay to please everyone else lang.”

“So kunyare, if you want to work, magtrabaho kayo. If you want to be a stay-at-home mom, be a stay-at-home mom. If you want to dress modestly, na head to toe naka-cover, if it makes you feel great, please go ahead. If you want to dress for the Philippine tropical weather, go ahead and do that also. If it does not hurt anyone, especially if it does not hurt ourselves, then I don’t think there’s anything wrong naman…You should be able to live your life how you want to.”

daianamenezes_ / antoinettetaus / sayalonzo on Instagram

On women fighting their struggles

Daiana Menezes 

“My mission is to survive, so I have to listen to the ones that will help me on what I need to do. Hindi ‘yung baliktad… I think the pain drove me to do something about this, kasi hindi ito biro kasi nabigyan naman ako ng blessing na liveable pa rin siya ‘eh. Nakapag-sasalita pa ako, nakakakita pa ako ng mga bagay, I can breathe, my lungs are okay - so I have something to fight for.”

Antoinette Taus

“The journey of what I went through, I would call it pain. I would call it suffering in our own way kasi sinasabi nga natin, kapag may pinagdaraan ang tao, it is something that is important to them and it matters. No matter what, we never compare problems.”

Say Alonzo

"Just slow down because everyone is going through the same thing right now. We actually don't know what we're doing but we're trying to make it work."

mellyricks09 / meryllsoriano on Instagram

On motherhood

Melissa Ricks

"You just be easy on yourself. You need to take at least 10 minutes or 15 minutes of the day… Give time for yourself para makarecover tayo…We can never be perfect parents, but we can learn… Be easy on yourself, on your children, we're all learning.”

Meryll Soriano

“Talagang it’s about motherhood, parenting, family, and ‘yon talaga, doon ako nagfo-focus, and I really try my best to still have a very private life kahit ang hirap sa digital content creation.”

commandernene / janinavela on Instagram

On women making decisions 

Nene Tamayo 

“We always have the right to choose what is right and good for ourselves and for the people that we love and for the people around us…We have the power to choose. the power is in our hands and in our mind… It reminds me to always be the best version of myself… Wala akong pagsisisihan, wala akong paghihinayangan, kaya I always set a goal and objectives.”

Janina Vela

“I think freedom and truth should go hand in hand. I have never seen truth and freedom founded on lies. And I don’t think there could be true freedom that is based on disinformation… Namulat ako, I became woke and awake to the realities — it’s my fault if I close my eyes.”

Ang ating boses ang ating kinabukasan

Habang lumalakas at nagiging malinaw ang boses ng kababaihan, mas nagiging matibay din ang ating kakayahan. Unti-unti nating nararating nang walang pagsisisi ang ating mga mithiin, kahit na malayo pa ang tatahakin nating landas.  Sa panahong ito, may lakas na tayo na mag-iwan ng mga pahayag na may malaking epekto, lalo na sa mga kabataang nanonood sa atin.  Ang bawat isa ay pinalalakas ng pagkakaroon ng kalayaang pumili ng daan para sa kanilang mga sarili nang hindi nakikinig sa dikta ng iba. 


----

Panoorin ang Pamilya Talk sa Facebook, YouTube at Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, Twitter and Kumu. Iparating ang inyong mga tanong at suhestiyon, at sumulat sa [email protected].

vuukle comment

WOMEN EMPOWERMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with