^

PSN Opinyon

NBI, aksyunan ang text scam

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Araw-araw, walang tigil ang pagtanggap ko ng text messages na nagsasabing magkakakuwarta ako at nagbibigay ng pekeng link. Kapag binuksan ko ito ay hihingin ang de­talye ng aking bank account. Dini-delete ko agad ito. Paano naman ‘yung mga nagpapaloko sa scammers?

Madaling sabihing huwag magpapaloko. Pero sa dinami-rami ng mga tao, siguradong may ilan na mabibiktima lalo na ‘yung mga naghahangad na lumago ang kanilang salapi. Kaso, imbes lumago, ang salapi naglalaho!

Kaya umaapela ang grupong Action for Consumerism­ and Transparency in Nation Building (ACTION) sa NBI na aksyunan agad ito para matigil ang masamang gawain ng mga hinayupak na scammer. Ayon kay ACTION Secretary General Jake Silo, kakila-kilabot na financial fraud ang mangyari na ang mga posibleng biktima ay mga OFW at mga kawani na mananakawan ng kanilang bonus at 13th month pay.

Ang mga OFW pa naman ang isa sa pinagmumulan ng ating reserbang dollar kaya kapag marami ang na-scam, damay pati ang ekonomiya. Galaw-galaw NBI dahil kayo ang eksperto sa cyber crime.

Ang modus nila ay hihingin ang bank account details pati na ang one time password o OTP at kapag nakuha nila, siguradong limas ang deposito mo sa banko at magpapasko kang walang pera! Pati mga telcos ay walang magawa tungkol sa scam na ito. Kaya nakikiisa ako sa panawagan sa Cyber Crime Division ng NBI na tuntunin, hulihin, idemanda at ikulong ang mga dorobong ito para huwag pamarisan.

NBI Director Menardo de Lemos, huwag bayaang mali­mas ang pera ng mga kababayan natin at baka humantong sila sa pamamalimos! Matindi talaga ang mga international hackers kaya dapat huwag tayong tutulug-tulog sa paglaban sa mga ito.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with