^

PSN Opinyon

Graft complaint sa Tabuk offcls ‘harassment case’ lang?

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

“HARASSMENT CASE” lang sa mga opisyal ng Tabuk City, Kalinga ang reklamong graft sa Ombudsman kaugnay sa inutang nito sa Development Bank of the Philippines (DBP). Maliwanag na sinasang-ayunan ng batas ang pakikipagkasundo ni Mayor Darwin Estranero sa bisa ng pagbasbas ng konseho ng Tabuk City upang sa pamamagitan ng pag-utang ay matustusan ang mga proyektong pang-imprastraktura para sa kagalingan ng mga mamamayan na sinasakupan nito. Sa katunayan, ayon kay Estranero, dumaan ang usaping pag-utang sa mahabang proseso ng konseho bago ito makipagkasundo sa DBP.

Sinasang-ayunan din ng batas diumano na gamitin bilang “security guarantee” ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng isang LGU kung ang buwanang hulog ay hindi naman sobra sa 20% kahit pa man ang pagkakautang ay tumagal sobra sa termino ng mga nakipag-kasundong mga opisyal. Sa katunayan, 4% lamang ang interest na iginagawad ng DBP, na ayon sa mga nasasakdal ay higit na kapaki-pakinabang sa mamamayan ng Tabuk City kung ikukumpara sa benepisyong matatamasa mula sa loan nito. Taliwas sa malisyosong paratang ng mga paglabag, lahat nang pinaglaanan na proyektong pang-imprastraktura’y masusing natimbang ayon sa mga pangangailangan ng mamamayan, giit ni Estranero. 

Lahat ng mga makikinabang sa mga proyektong pinaglaanan ng utang sa DBP ay nakonsulta, taliwas din sa paratang ng reklamo sa Ombudsman. Nakakatawang igiit ng reklamo, ayon sa mga opisyal ng Tabuk City, na hindi nakonsulta ang mga pambansang minoryang apektado ng mga proyekto, dahil una’y hindi naman usapin ng lupang ansestral ang mga sangkot na kalupaan kundi mga kasalukuyan nang kalsadang nangangailangan na lamang ng pagkumpuni. Pangalawa’y ang mga magbebenepisyo’y mga pambansang minorya rin ng Tabuk City. Sa dulo’y, paggigiit ng mga namumuno ng Tabuk City sa Ombudsman, ang mga mamamayan ng Tabuk ang makikinabang sa mga proyekto. Hindi iisang tao lamang, kundi daang libong Tabukeños sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon! 

***

Para sa suhestiyon:  [email protected]

vuukle comment

HARASSMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with