^

PSN Opinyon

Mahusay na pampalakas ang sabaw ng manok

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kahit noong unang panahon, ginagamit na ang chicken soup o sabaw ng manok para sa mga may karamdaman. Ang chicken soup ay may malaking benepisyo sa mga sumusunod na kondisyon: ubo, sipon, trangkaso, hangover at nagpapa-breast feed.

Paraan sa paggawa ng chicken soup:

Mga sangkap: 1 buong manok, 4 butil ng bawang, 3 sibuyas, 10 carrots, 1 kamote, 6 na tangkay ng celery at pamintang buo.

Paano lulutuin:

Ilagay ang manok sa isang malaking kaldero. Lag­yan ng 14 na basong tubig. Pakuluin. Ihalo ang sibuyas, bawang­, celery, kamote at carrots. Pakuluan ng dalawang­ oras. Dagdagan ng kaunting asin at pamintang buo para magkalasa.

Espesyal na sangkap:

1. Chicken soup – Ayon sa pagsusuri ni Dr. Stephen Rennard ng University of Nebraska, ang chicken soup ay tumutulong sa pag-alis ng pagbabara ng sipon at plema. Pinipigilan nito ang pamamaga ng tonsils at paggawa ng plema. Ang chicken soup ay may sangkap na amino acid o cysteine, na lumalabas sa pagluluto ng sabaw ng manok. Ang cysteine ay nagpapalabnaw ng plema sa baga, at pinapabilis ang paggaling. Ang manok ay mataas din sa protina.

2. Kamote – Ang kamote ay may maraming carote­noids tulad ng beta-carotene. Mataas ang kamote sa fiber, vitamins B6, C at E, folate at potassium. Bukod dito, mababa pa ito sa calories. Ang isang kamote ay may 54 calories lamang. Ayon sa pagsusuri, nakababawas ng tsansa ng lung cancer ang pagkain ng kamote, kahit pa naninigarilyo.

3. Carrots – Ang carrots ay may taglay na beta-carotene at Vitamin A. Ang vitamin A ay tumutulong lumaban sa impeksyon at mabuti rin sa mata. Puwedeng pangdiyeta ang carrots dahil 35 calories lang ang kalahating tasa nito.

4. Celery – Ang celery ay mataas sa vitamin C, magnesium at iron na kailangan ng dugo. Ayon sa mga eksperto, may tulong ang celery sa mga sakit sa baga tulad ng hika at bronchitis. Puwede rin ang celery sa may sakit sa puso.

5. Black pepper – May taglay itong volatile oils at alkaloids na makatutulong sa pagluwag ng ating sinuses o ang daanan ng sipon. Puwede rin ang black pepper sa may ubo at trangkaso. Medyo pagpapawisan nga lang kapag kumain ng black pepper.

vuukle comment

CELERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with