^

PSN Opinyon

Paghahanda sa kinabukasan ng transportasyon

SEY NI MANONG JOE - Joe Zaldarriaga - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan, may nakita akong lumang panayam noong dekada 1960 kung saan tinanong ang mga tao tungkol sa kanilang naiisip na teknolohiya sa hinaharap. Kabilang sa kani­lang mga sagot ang pakikipag-usap nang harapan sa pamamagitan ng screen at mga sasakyang kayang lumipad.

Noon, tila imposibleng mangyari ang mga ito. Ngunit ngayon, bahagi na ng ating buhay ang marami sa mga dating ambisyon lamang. Sa aking pananaw, ganito rin ang maa­aring maging kuwento ng electric vehicles o EVs sa Pilipinas.

Habang patuloy ang pagsusumikap na mapaunlad ang ating ekonomiya, tumataas din ang pangangailangan sa trans­por­­tasyon at enerhiya. Kasabay nito, kailangan nating tiyaking ma­linis ang hangin at ligtas ang kapaligirang maipapamana sa susunod na henerasyon.

Hindi lamang usaping pangkalikasan ang paggamit ng EVs; makatutulong din ito upang mabawasan ang pagdepende sa ina­angkat na langis, maging mas wasto ang paggamit ng enerhiya, at makalikha ng mga bagong oportunidad sa negosyo at trabaho.

Mahalaga rito ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang mapalawak ang charging infrastructure at gawing mas abot-kaya ang EV ownership.

Sa pangunguna ni Manuel V. Pangilinan o MVP, aktibong isinusulong ng Meralco ang electric mobility sa pamamagitan ng EV Adoption Program nito. Kabilang dito ang pagpapalawak ng charging infrastructure, paggamit ng EVs sa sariling operasyon, at pagpapadali ng home charging.

Sa pamamagitan naman ng subsidiary nitong Movem, patuloy na nag-aalok ang Meralco ng mga paraan na magpapadali ang electric mobility transition.

Mahalaga rin ang ika-14 na Philippine Electric Vehicle Summit sa Oktubre 22 hanggang 24 sa SMX Convention Center upang pagtibayin ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor.

Marami pang hamon sa pagtutulak ng EVs sa bansa, ngunit naniniwala akong hindi kailangang hintaying maging perpekto ang lahat bago kumilos. Ang paglipat sa EV ay hindi lamang para sa atin ngayon, kundi higit lalo para sa mga susunod na henerasyong Pilipino.

TRANSPORTASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with