^

PSN Opinyon

Alamin kung stressed ka

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Stress ang pinakamalaking problema natin ngayon. Nagdudulot ito ng sakit sa puso, ulcer at katawan. Paano malalaman kung stressed ka na?

Ganito:

1. Suriin ang pulso – Ang tamang pulse rate para sa matatanda ay sa pagitan ng 70 hanggang 80 tibok bawat minuto. Kung ang pulse rate ay mas mataas sa 80 bawat minuto, ito ay posibleng ikaw ay may stress. Maglaan ng ilang sandali para bilangin ang iyong pulse at simulan tantyahin ang stress level. Para hanapin ang iyong pulso ipatong ang una at pangalawang daliri sa pulso na malapit sa wrist. At tignan ang iyong relo at magset ng timer sa 1 minuto at bilangan ang tibok nito.

2. Bilangin ang paghinga – Para sa matanda ang average na paghinga ay 12 hanggang 16 bawat minuto. Kung kayo ay humihinga ng mas higit pa sa 16 kada minuto, baka ikaw ay may stress. Mag set ng timer para sa 1 minuto at bilangin ang paghinga. Huminga lamang ng normal habang binibilang ang hininga.

3. Tingnan ang ibang senyales sa katawan. – Ang stress ay nagpapahiwatig ng iba pang sintomas sa ating katawan. Halimbawa, ang iyong tiyan ba ay nakararamdam na para bang buhol-buhol at maasim. Masakit ang iyong ulo. Nakaramdam ka ng paninigas sa iyong leeg at balikat.

Tips:

1. Huminga nang malalim at mabagal.

2. Mag-stretch at maglakad-lakad.

3. Matutong tumanggi kung hindi na kaya.

4. Kumausap ng positibong kaibigan.

5. Ayusin ang isipan. Baka maliit lang ang stress pero pinalalaki lang ng isipan.

6. Huwag idaan sa alak, sigarilyo at bisyo.

7. Makinig sa music at magpahinga.

vuukle comment

STRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with