^

PSN Opinyon

Parusa ba?

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Ang kapangyarihan ng Senado na magpaaresto sa mga ayaw tumugon sa opisyal nilang pag-iimbestiga ay tinatawag na contempt power. Bagama’t hindi ito nakaukit sa Saligang Batas, kinikilala itong taal na kapangyarihan ng dalawang kamara ng Kongreso upang maipatupad ang tungkulin na gumawa ng batas.

Papaano nga naman magagawa ito nang maayos ng mga senador at kongresista kapag wala silang impor­mas­yong pagbabatayan? Hindi naman uubra kapag mang­hula lang ng kung anong pangangailangan o kung ano ang mahalagang reporma batay sa karanasan.

Sa nagaganap na imbestigasyon ng Senado sa mga findings ng COA sa paraan ng paggamit ng DOH at DBM ng pondo kaugnay ng COVID-19, nabulgar na nga ang mga anomalyang kinasasangkutan ng Pharmally Pharmaceuticals. Kritikal sa pag-unawa ng kung paano ito nakalusot ay ang testimonya at paliwanag ng kanilang mga opisyal. At ito na nga ang tinakbuhan ng magkapatid na Dargani, Pangulo at Corporate Secretary ng Pharmally, na naging dahilan para sila ay maaresto sa Davao nang akmang patakas patungong Malaysia.

Si Sen. Francis Pangilinan ay biglang napasabing: “Paparusahan ang lahat ng hindi marunong rumespeto o sa nagbabalewala sa mga kautusan at alituntunin ng Senado bilang institusyon.” Ito tuloy ay naging palaisipan na kung ang contempt power ng Kongreso ay para masi­guro lang na makipagtulungan ang mga saksi o ito ba ay ginagamit upang magpataw ng parusa?

Mahalaga ring sagutin ang tanong dahil itong isa pang umiilag sa subpoena, si dating DBM Undersecretary LLoyd Lao ay humihingi ng dispensa sa aresto at nanga­ngakong mag-aattend na rin. Siguro’y ang attendance by Zoom ang nais nyang ipagpatuloy. Ang sagot agad ni Senator Gordon na Chairman ng Blue Ribbon Committee ay No! Tuloy ang aresto kung mahanap si Lao.

Kung ang aresto ay para masigurong makikipagtulungan si Lao eh di mabuti. Subalit kung ang aresto ay para turuan siya ng leksyon, malinaw sa desisyon ng ating Supreme Court na ang contempt power ay hindi dapat ginagamit para magpataw ng parusa.

vuukle comment

COA

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with