^

PSN Opinyon

Komunistang China matagal nang inaasam ang Pilipinas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HIRAP ang Armed Forces lipulin ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army. Mahigit P16 bilyon ang pondo sa 2021 panggapi sa insurgency. Tinatag ang CPP nu’ng 1968 at NPA nu’ng 1969 para ibagsak ang estado. Magtatatag ng diktaduryang Marxism-Leninism-Mao Zedong Thought. Halaw ang MLMZT sa Chinese Communist Party.

Nilayon ni Mao masaklaw ng komunismo ang mundo. Inagaw niya ang Tibet at Inner Mongolia nu’ng 1950, at in-infiltrate ang northern Korea, Laos, Cambodia, at Vietnam. Sumubok din siya sa Thailand at Indonesia. Sa Pilipinas dalawang beses niya tinangka mag-landing ng armas nu’ng dekada-’70 para sa CPP-NPA. Kasabay ang indoktrinasyon ng ilang intelektwal para pamunuan ang lokal na komunismo.

Naging mala-kapitalista ang China nang mamatay si Mao nu’ng 1976. Pero nanatiling hari ang Communist Party. Parang imperyalista, kinuhaan ng murang raw materials at tinambakan ng mahal na finished products ang mga kapit-bansa. Pinalakas ang militar.

Pinalala ni Xi Jinping ang kalakaran nang mag-presidente simula 2013. Tinuta ang komunistang North Korea at Laos. Inagawan ng ilog ang India, Bhutan, Thailand, at pati mga komunistang Cambodia at Vietnam. Inagaw din ang mga dagat at bahura ng Brunei, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at Vietnam. Pinautang ang maraming gobyerno kapalit ang pagkontrata sa mga China state companies. Kapag hindi makabayad, inaangkin ang mga likas na yaman ng bansa.

Lumobo ang ambisyon ni Xi. Tulad ni Mao, nagdiktador­ siya. Binago rin ang konstitusyon para iluklok ang sarili habambuhay. Isiningit sa konstitusyon, katabi ng Mao Zedong­ Thought, ang umano’y Xi Jinping Thought. Pakay niya saklawin ng ideyolohiya ang mundo. Inaatasan ang mga uto-utong lider-bansa na purihin siya nang todo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

CPP-NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with