^

PSN Opinyon

Baka matulad sa India kapag nagluwag

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Atat na atat na ang economic experts na buksan na ang mga negosyo upang makaahon na sa pagkalugmok ang apat na milyong Pinoy na nawalan na trabaho. Palagay ko, dapat muna silang mag-isip. Pumalo na sa 1-milyon ang kaso ng COVID-19 at kapag niluwagan na naman ang sambayanan baka matulad tayo sa India.

Ito rin ang pananaw ng local government units (LGUs) dahil katiting pa lang ang nababakunahan. Naghihintay pa tayo ng bakuna kahit na naiproseso na ang bayaran sa pamamagitan ng inutang sa World Bank at Asian Development Bank. Maraming pasikut-sikot ang pagdeliber ng mga bakuna.

Kaya para maibsan ang pagkalat ng virus isinailalim sa ECQ ang National Capital Region (NCR), Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan ng dalawang linggo. Maganda naman ang naging resulta dahil bumaba ang nahawahan ng virus pero puno pa rin ang mga ospital dahil sa rami ng maysakit. Samantala, napapakinabangan na ngayon ang container van matapos na i-convert ito na isolation facilities sa Maynila. Libong COVID-19 patients ang maki­kinabang dito.

Samantala sa Quezon City, pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte at DILG Usec. Nestor Quinsay ang pag-inspection ng bagong Protek Todo Bus o Vacci­na­tion Bus sa Bulacan st., Payatas B. Layunin ng proyekto na marating ang mga lugar na ‘di naaabot ng pagbabakuna. Malaking bagay ang programa ni Mayor Joy dahil mabibigyan ng proteksyon sa COVID ang mga residente.

Nararapat sumunod sa health protocol ang lahat dahil nakikita na ang magandang resulta matapos na ipa­tupad ang ECQ. Kaunting tiis na lang at malalampasan na rin natin ang pandemya. Magsuot lagi ng face mask, face shield at pairalin ang social distancing.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with