^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nagsulputang kabute ang mga illegal Chinese clinic

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nagsulputang kabute ang mga illegal Chinese clinic

NAGDUDULOT ng pangamba ang patuloy na pagsusulputan ng mga illegal Chinese clinic na gumagamot sa mga pasyenteng may COVID-19. Nakapanga­ngamba sapagkat ang lugar na kinaroroonan ng clinic ay residential areas. Mayroon ding illegal clinic na nasa loob ng subdibisyon at mayroon sa mga gusali na may tenant. Posibleng kumalat ang sakit kung hindi masa­sawata ang operasyon ng illegal clinic para sa may COVID.

Noong nakaraang Sabado, isang clinic na naman sa Parañaque, ang sinalakay ng mga pulis at tauhan ng Parañaque City Hall. Ang sinalakay na clinic ay nasa third floor ng Morgana Bldg. na nasa Multinational Ave­nue. Nakatakas ang mga nag-o-operate ng clinic at ang inabutan ay ang caretaker na Chinese na ‘di marunong mag-Tagalog o English. Nakumpiska ang medical supplies gaya ng sterile dextrose, stethoscopes at personal protective equipments (PPEs).

Hindi ito ang unang clinic na sinalakay na nagsi­mula pa noong Marso na naka-lockdown ang Luzon, kasama ang Metro Manila. Unang natuklasan ang klinika na pinatatakbo ng mga Chinese sa loob ng isang gusali sa Makati City noong Marso. Hindi sana ito matutuklasan kung hindi dahil sa natanggap na reklamo na nagbabara ang drainage sa gusali. Nang inspeksiyunin, nakita na pawang medical wastes ang nakabara sa mga tubo. Natuklasan ang mga pasyente sa clinic ay infected ng COVID-19. Ang nakapangingilabot, hindi rehistrado ang clinic.

Noong Abril, isang illegal clinic na pinatatakbo rin ng mga Chinese ang natuklasan ng mga pulis sa Para­ñaque City. Ang clinic ay may hospital beds, may mga gamit na pang-test sa COVID-19 at maraming gamot na ang label ay nakasulat sa Chinese. Ang ginagamot sa clinic ay mga Chinese na may COVID.

Ang pinakamalaking clinic na sinalakay ng mga pulis ay ang nasa loob ng Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga noong Mayo. May pitong kama ang pasilidad at kumpleto sa gamit para sa pagsusuri at pag-test sa mga may COVID. Pawang Chinese rin ang ginagamot. Wala ring maipakitang permit para mag-operate ang clinic.

Habang naghihigpit ang pamahalaan sa mamamayan kung saan lahat nang walang face mask, hindi sumusunod sa social distancing at nagtitipun-tipon ay nakakatikim ng pagdidisiplina at ang ilan ay kinukulong pa, ang mga illegal clinic ng Chinese naman ay nag­lipana kung saan-saan. Nag-iingat ang mga Pilipino para hindi mahawa pero may mga illegal clinic naman na banta sa buhay ng mamamayan.

vuukle comment

ILLEGAL CHINESE CLINIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with