^

PSN Opinyon

Selective quarantine ipinanukala

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ipinapanukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang selective quarantine sa barangay level sa halip na palawigin pa ang lockdown na sumasakop sa buong bansa. Marahil ay mabuti ang epekto ng lockdown sa pagsugpo sa paglaganap ng COVID-19, pero nakapanghihilakbot ang epekto nito sa industriya. Kapag nanatiling paralisado ang industriya, babagsak tiyak ang ekonomiya.

Sa ibang salita, ang lockdown ay pansamantalang remedyo lang at hindi puwedeng gawing pangmatagalan dahil may ibang aspeto ng buhay na maaapektuhan nang malubha.

Si Concepcion ay isang negosyante kaya alam niya ito. Tatawagin niyo sigurong self-serving porke negosyante siya pero hindi. Lahat ng tao ay apektado kapag bumagsak ang ekonomiya. Walang negosyo, walang trabaho at kung walang trabaho, mamamatay sa gutom ang tao. Pati pamahalaan ay walang makukulektang buwis.

Lahat tayo ay gustong matuldukan na ang COVID-19, pero lahat tayo ay sasang-ayon na hindi dapat maudlot ng mahabang panahon ang galaw ng industriya dahil mamamatay naman tayo sa gutom. Ganyan din ang proposal ng isang party-list Congressman. Ayon kay Ako Bicol Rep. Elizaldy Co, nararapat mabuksan na ang mga economic activities sa ilang lugar para mabawasan ang bigat na pasan-pasan ng pamahalaan na kapos sa pondo sa pagbaka sa pandemya.

Pero ito ay isang bagay na dapat pag-isipang mabuti bagamat mahigit na kinakailangan. Dapat siguro, kahit semi-normal na ang takbo ng buhay, may ibang paraang dapat ipatupad upang makaiwas ang tao sa pagsagap ng kinatatakutang virus. Iyan ang social distancing at paggamit ng mga protective gear tulad ng facemask kapag nasa labas.

Selective quarantine ipinanukala

Al G. Pedroche

Aksyon Ngayon

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with