^

PSN Opinyon

Yaman nina Marcos kailangang mabawi

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nadulas ang dila ni Imelda Marcos nu’ng iniinterbyu sa pelikulang “The Kingmaker”. Aniya pinaka-malungkot mangyari sa buhay ng tao ay mawalan ng “money”, este, “mother”. Ibinida niyang meron siyang 170 bank accounts, magagamit pang-kabutihan. Pero wala raw siyang nakaw na yaman. Sa kuwenta ng Korte Suprema nu’ng 2012, $304,372.43 o P2,319,583.33 ang pinagsamang legal na sinuweldo nina Ferdinand at Imelda Marcos bilang President, Minister of Human Settlements, at Metro Manila governor nu’ng 1965-1986. Ano mang labis doon na hindi inamin ante-mano ay itinuturing sa Forfeiture Act na nakaw na yaman kaya maaring bawiin ng estado. Anang Presidential Commission on Good Government, aabot sa $10 bilyon-$30 bilyon ang yaman nila: Cash, alahas. relo, artworks, mansiyon, lupain, stock shares, baril, kotse, sapatos, atbp. Nabawi ng PCGG ang halos $4 bilyon (P200 bilyon).

Bulto ng nabawi ay inilaan sa agrarian reform simula 1989. Bahagi -- P10 bilyon -- ay ibinayad nu’ng 2017-2018 sa 10,616 na pinatay, nawala, kinulong, pinahirapan, at ginahasa noong batas militar, 1972-1986. Galing ‘yon sa $356 milyon na isinuko ng Switzerland sa Pilipinas na napatunayang deposito ni Imelda sa alyas na Jane Ryan.

Nauna ru’n nanalo ang 7,000 biktima sa demanda sa korte sa Honolulu, kung saan tumalilis sina Marcos nu’ng 1986 People Power Revolution. Pinagbabayad sila ng $767.5 milyong danyos at $1.2 bilyon parusa bilang ehemplo. Itinatwa ng mga Marcos na may ari-arian sila sa America. Pero dalawang beses natiklo.

Una ay rantso, halagang $10 milyon, sa border ng Texas at Arizona, na kinumpiska ng America at ibinigay sa mga biktima. Ikalawa ang painting ni Monet, $10 milyon din, na ninakaw at ibinenta ng dating sekretarya ni Imelda, at bahagi ng koleksiyon ng mahigit 100 artworks.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

IMELDA MARCOS

THE KINGMAKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with