^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Nabunutan ng tinik’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Nabunutan ng tinik�

NAKAHINGA nang maluwag ang ina ng Chiong sisters makaraang sumuko noong Sabado ang dalawang convicted rapist-murderer ng kanyang mga anak. Ang dalawa – sina Ariel Balansag at Alberto Cano ay sumuko sa Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Ang ikatlong akusado --- si Josman Aznar ay hindi pa sumusuko pero sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ngayong linggong ito ay maaaring sumuko na rin.

Ang tatlong akusado sa karumal-dumal na krimen ay nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) subalit binawi mismo ni President Duterte ang pagpapatupad nito dahil nabahiran ng corruption. Maraming nakalaya sa ilalim ng GCTA ang nagbayad umano sa mga corrupt na BuCor offi­cials. Sinibak naman ni President Duterte si BuCor chief Nicanor Faeldon.

Nang malaman ni Mrs. Thelma Chiong, ina ng mga biktimang sina Marijoy at Jacqueline, na sumuko na ang dalawang bilanggo, hindi niya maipaliwanag ang nadamang kasiyahan. ‘‘Para kaming nabu­nutan ng tinik sa pagsurender ng dalawang akusado. Sana sumurender na rin ang isa pa,’’ sabi ni Mrs. Chiong. Dinukot sa isang mall sa Cebu City ang kanyang dalawang anak noong 1997.

Ang katawan ni Marijoy ay natagpuan sa isang bangin sa Carcar City samantalang ang kapatid na si Jacqueline ay hindi na natagpuan hanggang ngayon. Bukod kina Cano, Balansag at Aznar, kasama rin nilang naha­tulan ng habambuhay na pagkabilanggo sina Paco Larranaga, James Andrew Uy, James Anthony Uy at Rowen Adlawan. Si Larranaga ay nilipat sa Madrid Central Penitentiary prison sa Madrid, Spain noong 2009.

Nagpapasalamat si Mrs. Chiong kay President Duterte sa ginawang pagpapatigil sa GCTA at sa utos na ibalik sa bilangguan ang mga pinalaya. Maka­­katulog na umano sila nang mahimbing.

Tapos na ang kanilang bangungot na ilang araw ding nagpahirap sa kanila. Napakasakit na nang nang­yari sa kanila na nawalan na ng mga anak ay makakalaya pa ang mga gumawa ng karumal-dumal.

Halos ganyan din ang naramdaman ng Sarmenta at Gomez family nang mabalitaang lalaya na si dating­ Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez dahil sa GCTA. Naagapan ng Presidente ang pasya ng corrupt BuCor officials.

vuukle comment

CHIONG SISTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with