^

PSN Opinyon

“Leftist-pirosis” banta sa kabataan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG sa tag-ulan ay nauuso ang leptospirosis, may mas malalang epidemya na banta sa mga kabataan. Ito ang “leftist-pirosis.” Kaunting pampatawa lang sa isang seryosong usapin. Seryoso dahil nilalason ang isip ng mga kabataan upang maging makakaliwa. Nagpapasaklolo­ ang mga magulang sa Philippine National Police. Na­g­layas­ umano ang kanilang mga anak upang sumapi sa mga komunistang grupo.

Ang grupong Anakbayan at League of Filipino Students ang sinasabing nagdodoktrina sa mga estud­yante upang magrebelde. Ayon kay Maj. Gen. Benigno Durana, Jr., PNP Director for Police Community Relations, gina­gamit ng mga ito ang demokrasya upang sirain ang demokrasya. Isang halimbawa ang propaganda ng Bayan­ Muna sa pamumuno ni Carlos Isagani Zarate. 

Tutol si Zarate sa mga inisyatibo ng pribadong sektor at gobyerno na maragdagan ang mga planta ng kuryente­. Ayaw ng mga komunista sa kaunlaran. Mawawalan kasi ng dahilan ang kanilang rebolusyon. Pero papa­ano maka­kakuha ng mga investors kung kulang ang supply ng kur­yente? Hangad ng mga komunista na wasakin ang gobyerno para sila ang makapaghari.

Mabilis lumago ang ekonomiya ng Pilipinas. Naitala sa 5.5% ang paglago ng gross domestic product (GDP) sa ikalawang quarter ng taon. Ayon sa Asian Development Bank (ADB), puwede pa itong tumaas ng 6.2% nga­yong taon. Kailangan ang sapat na supply ng kuryente­ upang mapanatiling lumalago ang ekonomiya. Ngunit ang Bayan Muna ang nangunguna sa pag-kwestyon sa mga power supply agreement (PSA) ng Meralco gayong marami pang ibang kasabay na PSA ang mga ito. 

Hahadlangan lagi ng mga komunista ang  bagay na hindi naaayon sa kanilang adhikain. Paninindigan nilang sila ang tama at ang kalaban ay ang gobyerno. Nalantad sa publiko kamakailan sa isang artikulo sa pahayagan ang marangyang pamumuhay ng mga mataas na opisyal ng mga militanteng grupo. 

Ang mga anak umano ng mga lider ng Bayan Muna ay nagaaral sa mamahaling unibersidad. Ang anak ni Teddy Casiño ay nagaaral sa De La Salle University at ang anak naman ni Zarate ay nasa Europe nag-aaral. Sana, ang mga estudyanteng  sumanib sa grupong makakaliwa ay maging mapagmatyag at mulat ang mata sa loob o labas man ng kanilang organisasyong pinasukan.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with