^

PSN Opinyon

Bagong airport

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LIBU-LIBONG pasahero ang na-stranded dahil sa pag­sadsad ng Xiamen Airlines sa runway ng NAIA noong Sabado. Mabuti na lang at walang namatay o nasaktan­. Nagsimula na ang imbestigasyon. Hindi pinaalis ang piloto ng eroplano, habang inaalam kung may pagkukulang ito sa aksidente.

Malaki ang sira ng eroplano. Natanggal ang isang makina, pati ang nose gear at main gear. Kinailangan ng malaking telescopic crane para maiangat, ipatong sa ilang rampa, at hinatak patungo sa isang lugar sa NAIA. Hindi ko alam kung maaayos pa ang eroplano at magagamit muli. Napasabak din ang lahat ng tauhan ng NAIA sa nangyari. Dito nila makikita kung saan sila nagkukulang, pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Saan nagkulang sa pagresponde, kagamitan, proseso at sistema, para maayos na.

Nabuhay ang usapin hinggil sa pagtatayo ng bagong airport sa Metro Manila. Dalawa lang ang runway ng NAIA. Kapag kinailangang isara ang isa sa mga runway, malaking gulo at perwisyo ang magaganap. Hindi biro para sa isang pasahero ang makansela ang flight at ma-stranded, lalo na kung isang dayuhan. Ilang beses na ring napag-usapan ang pagtayo ng bagong airport sa Metro Manila, pero hindi matuluy-tuloy. May mga plano na gamitin ang Sangley Air Base sa Cavite, pero hindi rin matuluy-tuloy. Ma­ikli ang runway sa Sangley para sa mga malalaking eroplano.

Nandiyan ang Clark International Airport, pero may alinlangan pa ring gamitin dahil sa layo nito sa Metro Manila. Kung may mabilis na tren sana na tumatakbo mula Manila patungong Clark, baka iba na ang usapan ngayon. Ito nga ang proyektong dapat bigyan ng pansin at halaga, dahil sa kakulangan na talaga ng NAIA na silbihan ang lumalaking bilang ng mga pasahero. 

vuukle comment

NAIA RUNWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with