^

PSN Opinyon

Marupok ang mga pabahay

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAPAKARAMING proyektong pabahay ang gobyerno sa buong bansa pero halos kalahati ang hindi pwedeng tirahan lalo na sa parte ng Visayas at Mindanao. Kaawaawa naman ang mga kababayan nating patuloy na pinapaasang magkaroon ng permanenteng matitirahan. Ang iba ay sumakabilang buhay na hindi man lang natikmang tumira sa pinangakong pabahay ng gobyerno.

Meron na rin namang mga naipamudmod na mga bahay pero wala rin namang kuwenta dahil substandard na materyales ang mga ginamit. Baka imbes na makatulog nang mahimbing ay nasa bingit pala sila ng kamatayan dahil anumang oras ay pwedeng gumuho o magiba ang kanilang tinitirahan. Hindi porke’t mahihirap ay substandard ang gagamitin sa kanilang mga bahay. Minsan baluktot ang pag-iisip ng ilan sa atin. Ang katwiran ng mga gagong kontraktor “Ay si ganito lang naman ang titira kaya puwede nang murang materyales diyan”. Pero pag kumubra sila ng bayad, sobra-sobra.

Tulad na lang ng mga biktima ng typhoon Yolanda. Sandamakmak na reklamo ang aking nababasa at napapanood sa TV. Ang tanong, may silbi pa ba ang National Housing Authority? Maayos naman ang pasuweldo sa inyo kaya dapat ayusin n’yo rin ang trabaho. Huwag kayong magbabad sa mga opisina n’yo. Tingnan n’yo rin ang mga ipinapagawa n’yong mga bahay. Huwag iaasa lahat sa kontraktor dahil karamihan sa mga ‘yan ay manloloko.

Akalain n’yo bilyong piso ang natanggap nating do­nasyon para sa mga nasalanta ng bagyo sa Samar at Leyte, tapos kawayan lang ang ginawang palaman sa mga hollow blocks sa itinayong mga bahay imbes na bakal. Nakaligtas nga sila sa bagyo, hindi naman ligtas sa mga bahay na ipamamahagi n’yo.

Sana’y pera na lang ang binigay sa mga tao upang sila na ang bahalang magpagawa ng kanilang bahay.

vuukle comment

PERMANENTENG MATITIRAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with