^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga bulok at kolorum na bus, walisin sa kalsada

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga bulok at kolorum na bus, walisin sa kalsada

KUNG hindi pa nahulog sa bangin ang Dimple Star Bus na ikinamatay ng 19 na pasahero, hindi pa kikilos ang LTFRB, LTO at HPG. Ngayon ay nagkukumahog sila sa paghuli sa mga bulok at kolorum na bus para maiwasan na ang mga malalagim na aksidente gaya nang nangyari sa Dimple Star na nawalan umano ng preno. Ayon sa report, mahigit 30 taon na ang Star Bus na bumibiyahe sa Sablayan, Occ. Mindoro patungong Maynila. Para magmukhang bago, pinipinturahan lamang ang bus.

Ang malagim na aksidente ay lubhang ikinagalit ni Pres. Rodrigo Duterte at iniutos na suspen­dihin ang operasyon nang lahat ng bus ng Dimple Star. Ipinaaresto rin niya ang may-ari ng Dimple Star pero pinalaya rin ito.

Kung hindi pa nanggaling sa Presidente ang order na suspendihin ang operasyon ng Dimple Star baka hanggang ngayon ay may bumibiyahe pang mga bus nito. Pero dahil ang order ay mula kay Duterte, agad-agad pinataw ang kautusan. Maski ang Highway Patrol Group (HPG) ay tumulong na rin sa LTFRB at LTO para mapigil ang pagbiyahe ng Dimple Star na marami nang kinasangkutang malalagim na aksidente. At sa kabila na marami nang kaso, patuloy pa ring nakakapag-operate kaya patuloy na inilalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero.

Wala bang sariling desisyon ang LTFRB at hindi agad sila makapagpasyang ipatigil ura-urada ang operasyon ng bus company na sangkot sa malalagim na aksidente. Bakit kailangang hintayin pa ang utos ng Presidente? Kaya nga mayroong ahensiya ay para sila ang magdedesisyon. Kung ang lahat ay manggagaling sa Presidente, para ano pa at nakaupo ang mga taga-LTFRB.

Mas kasalanan din ang LTO kung bakit mara­ming bulok na bus na nakakabiyahe. Patuloy pa rin nilang inirerehistro ang mga bulok na sasakyan kahit na ang dapat lamang ay hanggang 15 taon. Paano nila ipaliliwanag ang 30-taon nang Dimple Star na kumitil sa 19 na buhay?

Ngayon ay nangangako ang LTFRB at LTO na maghihigpit na sila. Huhulihin nila ang mga bulok at kolorum na bus sa tulong ng HPG. Sana ay totoo na ito at hindi pakitang-tao lamang. Nagsasawa na ang taumbayan sa pakitang-tao at pagi­ging ningas-kugon.

vuukle comment

DIMPLE STAR BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with