^

PSN Opinyon

Kapalpakan sa BCDA CALLING President Digong!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa tingin ko lang, naging inutil at mabigat na pasanin ng gob­yerno ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) noong panahon ni Noynoy. Bakit?

Aba eh, sa halip makinabang ang bansa sa gawain nito, naglustay pa ng pondo na walang kapararakan! Obser­ba­syon ko lang ito: Nung administrasyon ni dating BCDA presi­dent and chief executive officer Arnel Paciano Casa­nova sa administrasyong Aquino, maraming kaso ang hinabol sa korte na sa dakong huli ay talo!

Obviously, hindi pinag-aralang mabuti ang mga estra­te­hi­yang legal na ipinatupad para habulin ang mga kaso. Su­ma-total, nag-aksaya sa pagbabayad ng daan-daang mil­yong piso sa mga legal fees.

Isa sa mga sumablay na kaso na hinahabol ng BCDA ay ang Camp John Hay properties sa Baguio City.

Sa paghahabol ni Cassanova sa Camp John Hay, nagdesisyon ang Korte Suprema na mababawi ng gobyerno ang naturang ari-arian pero kailangang bayaran nito ang P1.42 bilyong pagkakautang sa renta ng gobyerno sa Camp John Hay Development Corp (CJHDevCo).

Sa naganap na arbitration, nilinaw ng korte na walang utang ang CJHDevCo na P3.3-bilyon gaya nang iginigiit ng BCDA, bagkus ito pa ang may utang na P1.42B dapat bayaran bago pa payagan na isauli sa gobyerno ang pamamahala sa pinag-aagawang propriyedad. Ano ba iyan??!!

This calls for a thorough investigation, Pangulong Rodrigo Duterte. Siyasatin ang nakalipas na pamumuno ni Casanova. Hindi na dapat maulit ang mga kapalpakang ganito na ang ibinubunga ay pagkalugi ng bilyong-pisong halaga sa mga kasong natatalo. Mantakin ninyo ang nasasayang na legal fees na wala namang mabuting kinahinatnan?

Dangan kasi, kung minsan, ang mga bagong administrasyon ay kung sinu-sino na lang ang inilalagay sa puwesto na pinagkakautangan ng loob kahit walang muwang sa po­si­s­­yong hahawakan. Ayaw kong mag-isip nang ganyan pero bakit nangyari ang ganoong situwasyon?

Sa halip na maging paborable sa pamahalaan ang gawain ng isang ahensya, lalu pa itong nalulugi dahil sa kapalpakan.

vuukle comment

AL G. PEDROCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with