^

PSN Opinyon

Mahirap basahin si Pres. Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAHIRAP basahin ang utak ni President Duterte. Madalas akala mo ay seryoso sa sinasabi, tapos sasabihin niyang nagbibiro lang. Kagaya nung sabihin niyang nakausap siya ng Dios at pinatitigil siya sa pagmumura. Ilang araw lang, sinabi niya na ito’y “joke only.” Ah, kaya pala medyo nagmumura na naman siya kasi “joke lang.”

Nauna na niyang sinabi na hindi siya magdedeklara ng martial law. Ngunit kung minsan, may mga pahiwatig siya na baka mapilitan siyang magdeklara nito. Noong bago mag-martial law ang yumaong Presidente Marcos, nagkaroon muna ng suspension ng writ of habeas corpus.

Sa simpleng paliwanag, puwedeng arestuhin ang mga pinaghihinalaang komunista sa utos ng Pangulo kahit walang order o warrant of arrest ng korte. Hindi nagtagal, sorpresang nagdeklara si Marcos ng batas militar noong Setyembre 21, 1972.

Ngayon naman, nagpahayag si Duterte na sususpen-dihin niya ang privilege of the writ of habeas corpus para lalung maging mabisa ang kampanya niya laban sa droga. Ibig sabihin, aarestuhin nang walang warrant ang mga tao na hinihinalang  sangkot sa krimeng may kinalaman sa droga. Iba naman ang dahilan ni Duterte kay Marcos. Pero mas tama si Marcos sa kanyang rason nang unang suspendihin ang writ of habeas corpus. Sabi nga ni Sen. Kiko Pangilinan bilang reaksyon sa balak ng Pangulo:

“Ang suspension of the privilege of the writ of habeas corpus ay maaring gawin lamang ayon sa Article III Section 15 ng ating Saligang Batas kapag may rebellion o invasion”.

Mahirap din ang Pangulong mahilig mag-joke, kung matatawag man na joke ang kanyang sinabi. Nagdudulot ito ng nerbyos at pagdududa sa tunay na abilidad ng isang leader para mamuno. Kaya lang, masyadong litung-lito na ang taumbayan. Nagtatanong kung kailan dapat seryosohin ang Pangulo sa kanyang mga sinasabi. Ako, personal na gusto ko ang mga jokes pero ang mga ibinabato ng ating Pangulo ay hindi na nakakaaliw.

 

vuukle comment

AL G. PEDROCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with