^

PSN Opinyon

Puro ‘patayan’ ang nababalita

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“HUWAG sana puro patayan ang iuulat sa media.” ‘Yan ang pambungad na salita ni incoming economic secretary Ernesto Pernia sa panayam sa “Sapol” radio show (DWIZ 882-AM) nu’ng makalawang Sabado. Matatakot umano ang mga dayuhang mamumuhunan at turista sa gan’ung balita. Hindi sila mag-i-invest o papasyal sa Pilipinas. Sayang naman ang maidadagdag sana nilang trabaho at kita para sa madla.

Mga kasamahan niya sa papasok na admin ang dapat pakiusapan ni Prof. Ernie. Nilalahad lang ng media ang sinasabi ng mga papasok na opisyales. Si President-elect Rodrigo Duterte mismo ang nagbabanta ng pagpatay sa mga narco-traffickers. Ang hinirang din niyang National Police chief ang nagsabi na dapat patayin ang mga pulis na sangkot sa narco-trade. Hindi nila tinutukoy ang pagbabalik ng death penalty, kundi summary execution nang walang pag­lilitis o paghahatol. Hinayaan pa nga ni Duterte na i-kangaroo court ng rebeldeng New People’s Army ang isang municipal police chief sa Davao Oriental na nakuhaan umano nila ng droga. Baka “iligpit” na nga nila ang officer.

Sa kabilang dako ay humihingi rin ang working Press ng hustisya mula sa walang habas na pagpas­lang sa mga mamamahayag. Sandaan at pitong­put-apat na ang napapatay sa kanila mula nang “ibalik ang demokrasya” nu’ng 1986. Tatlumput-apat dito ay pinaslang nito lang huling anim na taon, sa ilalim ng papaalis na Aquino admin. Siyam sa bawat sampu na pagpatay ay hindi pa nalulutas. Tinanong ng reporter si Duterte nu’ng Martes kung ano ang magagawa niya tungkol sa isyu.

Madugo ang isinagot ni Duterte. Imbis na sagutin ang tanong, sinabi niya na dapat lang patayin ang mga tiwaling mamamahayag. Pati na rin ang umano’y biased ay hindi maiiwasang patayin.

Natural ikinalungkot ‘yon ng mga mamamahayag. Imbis na hustisya, ang epekto ng sagot ay parang pagpapahintulot ng Presidente ng pagpatay sa journalists dahil lang sa hinalang suhol o di balansiyado.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS PENSION HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with