^

PSN Opinyon

Prexy bets ‘kaliskisan’

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISANG welcome development ang pagkakalagda ng COMELEC at ng mga TV networks sa kasunduan upang bigyan ng air time ang mga kandidato sa pag­ka­­pangulo sa pagdaraos ng nationwide public debate na maguumpisa sa Pebrero.

Sa ganitong paraan ay makikilatis ng mga taumbayan ang agenda ng mga nagnanais maging leader­ ng bansa. Malalaman din kung sino ang tunay na marunong at nagdudunung-dunungan.

Nanguna si Comelec chairman Andres Bautista sa paglalagda ng MOA sa Palacio del Gobernador na dinaluhan ng mga kinatawan ng TV network, print media at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Sana naman, may ganyan ding arrangement sa local­ level para ang mga kababayan natin ay magkaroon din ng tsansang kaliskisan ang mga tuma­takbo for governor, mayor at iba pa.

Mahahati sa tatlong uri ng diskusyon ang gagamitin sa balitaktakan ng mga kandidato. Ang magsisilbing pilot area ng debate ay ang Mindanao na idaraos sa Pebrero 21, 2016. Pag-uusapan ang po­sis­yon ng mga kandidato sa matinding traffic sa Maynila, electoral at political reforms, foreign policy, tax reform, at national defense. Sa Marso 20 naman ang ikalawang debate sa Visayas na habang ang  ikalawang paghaharap naman ay sesentro ang usapin ng  disaster preparedness at climate change, kalusugan, edukasyon, at korupsyon sa gobyerno.

Magdaraos din ng vice presidential debate at iyan ay itinakda naman sa Metro Manila  sa Abril 10, 2016. Sadyang magandang oportunidad ito para sa mga kandidato upang mailahad nila ang kani-kanilang posisyon sa iba’t ibang usapin.

Aba, wala akong nakikitang dahilan para umayaw dito ang mga kandidato.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANDRES BAUTISTA

ANG

BRODKASTER

COMELEC

METRO MANILA

MGA

PEBRERO

SA MARSO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with