^

PSN Opinyon

Patatas, itlog, kape:Itulad sa pagsubok

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

UMANGAL ang bata na miserable ang buhay niya, at hindi niya malampasan ang kade-kadenang problema. Niyaya siya ng ama, isang chef, sa kusina, Doon nilagay ng ama ang patatas sa isang kaserola ng tubig, itlog sa ikalawang kaserola, at giniling na kape sa ikatlo. Sinindihan niya ang kalan at walang kibong hinintay ang pagkulo, habang na­iinip na umaangal pa rin ang bata.

Makalipas ang 20 minuto, hinango ng ama ang patatas sa isang tasa, ang itlog sa ikalawang tasa, at ang kape sa ikatlo. Pinahawakan sa bata ang malambot na patatas, pina­talupan ang hard-boiled na itlog, at pinatikim ang kape. “Ano ang nakikita mo?” tanong ng ama.

Mabilis sumagot ang bata: “Ano pa. e di patatas, itlog, at kape.”

Matiyagang nagpaliwanag ang ama. “Masdan mong ma­buti,” aniya. “Lahat sila nagbago. Ang patatas na nu’ng una ay matigas, naging lapsak. Ang itlog na dating marupok ay naging matibay hanggang loob. Pinaka-iba ang giniling na kape, Matapos itong pakuluin, binago niya mismo ang tubig -- hindi lang ginawang kakulay, kundi pinabango at pinasarap pa.”

“Ano’ng ibig sabihin niyan, Ama?” nagningning ang mata ng bata.

Ngumiti rin ang ama: “Lahat sila ay idinaan sa parehong pagsubok ng kumukulong tubig. Merong nanlambot, merong tumibay, at merong nagbago pa ng kinalalagyan. Ganun din ang mga pagsubok na dinadaanan ng tao sa buhay. Maari siyang pahinain o patatagin nito. At maari rin niya ito gamitin para baguhin ang sitwasyon niya.”

Ano tayo sa tatlo? Kapag sinalubong ng pagsubok, nagiging­ patatas, itlog, o giniling na kape ba tayo?

Tandaan: Parating may pagsubok; nasasaatin kung papaano­ ito haharapin.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ACIRC

AMA

ANG

ANO

GANUN

ITLOG

KAPAG

KAPE

LAHAT

MAARI

MABILIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with