^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Canadian PM, walang paki sa kanilang basura

Pilipino Star Ngayon

GUWAPO si Canadian Prime Minister Justin  Tru­deau­­ kaya tinilian ng mga kababaihan nang dumalo sa katatapos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit pero bigla siyang naging pangit nang wala siyang maibigay na mabigat na desisyon sa kanilang basura na itinapon sa bansa. Ang mga basura na nasa 103 containers ay dumating sa bansa noong 2013 hanggang 2014. Dalawampu sa mga containers ay itinapon na sa Capas, Tarlac noong nakaraang Mayo at ang iba pa ay nananatili sa Port of Manila at Subic.

Tinanong si Trudeau sa press briefing sa International Media Center noong Huwebes ukol sa Canadian­ trash at wala itong malinaw na commitment ukol dito. Basta ang sabi, meron na raw solusyon na dinidebelop sa problema pero hindi naman sinabi kung ano iyon. Para bang balewala sa kanya ang basura na nagbibigay ng pangamba sa maaaring idulot sa kalusugan. Pawang household at hospital wastes ang laman ng containers.

Ang hinihintay na sabihin ni Trudeau ay ipag-uutos niya ang agarang pagbabalik ng basura sa kanilang bansa. Pero hindi ganun ang nangyari. Kaya wala nang aasahan pa sa mga nakatenggang basura sa mga pantalan sa Maynila at Subic. Tila wala nang paki ang guwapong PM dito. Baka ang kahantungan nito ay palihim na itapon din gaya nang ginawa sa Tarlac.

Nararapat na ibalik sa Canada ang mga basura­ sapagkat nakasaad sa Basel Convention na anu­mang hazardous wastes na dumating sa bansa ay dapat ibalik sa pinanggalingang bansa. May kara­patang tanggihan ng Pilipinas ang basura na galing Canada­. At alam ito ng Canada dahil isa sila sa mga pumirma sa international treaty noong 1992.

Dapat din namang sisihin ang Department of Environment­ and Natural Resources (DENR) sa isyung ito sapagkat hindi sila nagreklamo sa Chronic Plastics­ sa Canada na nagpadala ng mga container ng basura. Hindi naman makita ang local na kompanya na consignee ng mga basura. Lumabag ang kompanya sa Republic Act No. 6969 o ang “Toxic Substances and Hazardous Wastes Control Act of 1990.”

Nagkulang ang DENR dahil hindi ginawa ang tungkulin kaugnay sa Canadian trash.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BASEL CONVENTION

BASURA

CANADIAN PRIME MINISTER JUSTIN

CHRONIC PLASTICS

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT

INTERNATIONAL MEDIA CENTER

MGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with