^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Pag-angkas ng bata sa motorsiklo, bawal na

Pilipino Star Ngayon

MADALAS makakita ng mga bata na kaangkas sa motorsiklo ng kanilang ama o ina. Mayroon pang napapagitnaan ng amang drayber at ina ang kanilang anak. At ang matindi, kumakaripas ang motorsiklo at palusut-lusot sa mga malalaking sasakyan. Walang takot kahit may angkas na bata.

Ngayon ay hindi na ito uubra. Bawal na ang pag-aangkas ng bata sa motorsiklo. Nilagdaan na noong Miyerkules ni Pres. Noynoy Aquino ang Republic Act 10666 (Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015).  Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na may angkas na bata ay pagmumultahin ng P3,000 sa unang violation; P5,000 sa ikalawa at P10,000 sa ikatlo. Sususpendihin din ang lisensiya ng driver sa loob ng isang buwan.

Sabi ni Sen. Tito Sotto, may-akda ng batas, ang mga batang nakaangkas sa motorsiklo ang laging nakaharap sa panganib. Sila ang unang tumatalsik at namamatay kapag bumangga o sumemplang ang motorsiklo. Wala aniyang magawa ang mga bata sapagkat hindi sila ganap na makakapit sa drayber sa oras na ito’y bumangga o binangga. Kaawa-awa ang kanilang kalagayan kapag bumagsak o humampas ang ulo at katawan sa oras ng aksidente.

Sa report ng Highway Patrol Group (HPG) tumataas ang bilang ng mga naaaksidente dahil sa motorsiklo. Halos araw-araw ay may naaaksidente at karamihan sa mga biktima ay namamatay. Ayon pa sa report, karamihan sa mga naaksidente ay nakainom ng alak. Kaya ang payo ng mga awtoridad, kapag nakainom ng alak, huwag nang magmotorsiklo sapagkat takaw-aksidente lamang. Karaniwan na anila na may motorsiklong pumapasok sa loob ng ten-wheeler truck at mayroong nakakaladkad.

Ngayong batas na ang RA 10666, inaasahang ipatutupad ito nang mahigpit. Hindi dapat mag-ningas-kugon sa pagpapatupad nito sapagkat ang kaligtasan ng mga bata ang nakasalalay. Hindi dapat mabalewala ang batas na ito sapagkat mahalaga para sa kaligtasan ng mga walang malay na bata.

vuukle comment

ANG

AYON

BATA

BAWAL

HIGHWAY PATROL GROUP

KAAWA

MGA

MOTORCYCLES ACT

NOYNOY AQUINO

REPUBLIC ACT

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with