^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Araw-arawin ang raid sa Bilibid

Pilipino Star Ngayon

UNANG nagsagawa ng raid ang Department of Justice sa New Bilibid Prison (NBP) noong nakaraang Disyembre 7, 2014 at nakakumpiska ng shabu, marijuana at mga gamit sa communications gaya ng signal boosters, outdoor antennas, re­peaters, splitters, distributor, power supply at electrical wires. Nagpapatunay lamang na namamayani ang drug lords sa Bilibid. Patuloy ang negosyo roon at kumakamal ng pera ang mga convicted drug lord.

Pero mas matindi ang natuklasan nang muling sumalakay ang DOJ sa pangunguna ni Sec. Leila de Lima noong Disyembre 15, 2014. Shock si De Lima nang matambad ang magarbong pamu­muhay ng 20 convicted drug lords. Nang salakayin ang kubol drug lord na si Peter Co ay may sauna, wide screen TV, Wi-Fi, split type airconditioners at CCTV. Nakakuha rin doon nang maraming pera, mga baril, counting machines, cell phones at shabu. Sa kubol naman ng drug lord na si Jojo Baligad ay may bath tub, life size sex toy, kitchen, bar, family size na kama, inverter airconditioner, refrigerator at micro­wave oven. Sa kubol naman ng robbery group leader na si Herbert Colangco ay may music studio, generator, mga mamahaling relo, mamahaling wallet na may lamang maraming pera.

Ang pagkakadiskubreng iyon ang naging dahilan para ilipat sa NBI detention center ang 20 VIPs (Very Important Prisoners). Pero maski nang ilipat sa NBI ay patuloy din ang pakikipagtransaksiyon ng drug lords. Nakakumpiska ng P700,000 sa basurahan at tangke ng inidoro. Mayroon din umanong nakum­piskang cell phones sa loob ng detention center.

Hindi pa roon natapos ang ginagawa ng mga drug lord sa Bilibid sapagkat noong nakaraang Enero 7, nang salakayin muli ng NBI ang pambansang bilangguan, nakakumpiska muli sa mga kubol doon ng illegal drugs. Nakumpiska sa kubol nina Gianfranco Pasco, Engelbert Durano at Noel Arnejo ang isang “blue book” na nakatala ang mga tran­saction. Maraming pangalan pero walang apelyido. Sabi ng NBI, patunay ang “blue book” na patuloy ang drug trade sa Bilibid.

Kung ganito ang nangyayari, dapat araw-arawin na ang raid sa Bilibid. Huwag nang hayaang makapamayani ang mga salot na drug lords. Kung nais ni De Lima na mawala ang drug trade sa Bilibid, sibakin niya ang mga opisyal ng NBP.

vuukle comment

BILIBID

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISYEMBRE

DRUG

ENGELBERT DURANO

GIANFRANCO PASCO

HERBERT COLANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with