^

PSN Opinyon

Opisyal ng Nat’l Irrigation Administration na naka-Jaguar, pinaiimbestigahan

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang daig pa ng isang opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) ang Cabinet members, senators at congresmen sa kanyang lifestyle?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Fernan Gulapa ng DZBB, Mrs. Chay Pagdilao, Fred Pagdilao ng BIR, Bro. Mario Ancheta, Bro. Rene Escurel, Lucing de Silva at Danny Magpusao.

Alam n’yo bang marami ang nagtataka ngayon sa laki ng ipinagbago ng lifestyle ng isang opisyal ng NIA?

Paging Sec. Kiko Pangilinan, ang bagong talagang Presidential Adviser for Food Security and Agricultural Modernization.

Ayon sa aking bubwit, marami ang nagtataka ngayon sa tanggapan ng NIA kung saan namumulot ng limpak-limpak na salapi ang nasabing opisyal dahil bonggang-bongga ang pamumuhay. Dati noong hindi pa niya hawak ang kanyang kasalukuyang posisyon ay napaka-simple ng kanyang pamumuhay at pati na ang kanyang postura. Pero ngayon, biglang nagbago si Madam official. Para na siyang Imeldific.

Kung pumasok siya sa kanilang tanggapan ay daig pa ang kanyang boss dahil nakakotse ng magarang Jaguar. Ang kotse ng kanyang boss  ay ordinary lamang.

Ayon pa sa aking bubwit, dati ay Seiko lamang ang kanyang relo pero ngayon ay Rolex na at nagmumura pa ang mga diyamanteng hikaw, singsing at kuwintas. Bukod pa rito ang kanyang mansion at malawak na lupain sa probinsiya. Pati ginastos ng kanyang mister na kumandidatong mayor sa probinsiya ay pinagdududahan din kung saan galing.

Ayon pa sa aking bubwit, kung pumasok pa sa opisina ang NIA official ay tanghali na. Ang opisyal na pinai­imbestigahan ng kanyang mga empleado sa NIA ay si Deputy Administrator for Finance R. as in Rosary.

 

vuukle comment

AYON

DANNY MAGPUSAO

DEPUTY ADMINISTRATOR

FERNAN GULAPA

FINANCE R

FOOD SECURITY AND AGRICULTURAL MODERNIZATION

FRED PAGDILAO

KANYANG

KIKO PANGILINAN

MARIO ANCHETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with