^

PSN Opinyon

Ampatuan brothers, nagsusuntukan sa kulungan

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang hanggang sa ngayon ay nag­sisisihan pa rin ang mga magkakapatid na Ampatuan dahil sa nangyaring Maguindanao massacre?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Milky Rigonan ng DZRH, Brig. Gen. Mayo­ralgo dela Cruz, Virginia Pagdilao-Fontanilla, Ron Edward Caballero, Babes Aguila, Patrick Lanto, Sis Cecilia Madrid Dy at Hermana Estela Babera.

Alam n’yo bang matindi pa rin ang away ng mga magkakapatid na Ampatuan?

Ayon sa aking bubwit, dahil nabuburyong na sila sa kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, madalas ay nagtatalo sila tungkol sa kanilang sitwasyon.

Dati-rati ay magkakasama sa iisang selda ang mga magkakapatid na sina ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, Unsay Andal, Sahjid at Anwar Ampatuan at kanilang ama na si dating Gov. Andal Ampatuan ng Maguindanao.

Subalit dahil sa matinding away na humahantong sa sigawan at pagsusuntukan, pinaghiwa-hiwalay sila ng selda. 

Ayon sa aking bubwit, ang matinding nag-aaway ay sina Zaldy at Unsay. Naniniwala kasi si Zaldy na siya ay walang kasalanan at ang may pakana lamang sa masaker ay si Unsay at ang kanilang ama. 

Kahit sila ay nasa harapan ng kanilang ama ay nagsusuntukan at wala namang magawa ang kanilang ama dahil ito ay may sakit na, mahina na at naka-wheel chair pa.

Ayon sa aking bubwit, nagbabantaan pa    ang magkapatid na papatayin nila ang ba­wat isa kaya ang ginawa ng jail warden ng Bicutan ay pinaghiwa-hiwalay na lamang sila ng selda.

vuukle comment

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN

ANWAR AMPATUAN

AYON

BABES AGUILA

BICUTAN

CAMP BAGONG DIWA

HERMANA ESTELA BABERA

MAGUINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with