^

PSN Opinyon

“ ‘Di na aabutin ng Bagong Taon” (Huling bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

PUMAGITNA raw siya sa dalawa. Pinaalis ang nakatabig ng baso subalit minasama ni Dodoy ang ginawa niyang pag-awat.               

Nung Biyernes itinampok namin sa aming pitak ang pagsaksak at paggilit ng leeg sa 25 anyos na si Emilio Reveche III. “Dodoy” kung tawagin ng kanyang mga kapatid. “Lupin” naman para sa malalapit sa kanya. Nangyari ito bisperas ng Bagong Taon—Desyembre 31, 2007 sa brgy. Longos, Malabon.

PARA SA ISANG PATAS NA PAMAMAHAYAG: Base naman sa salaysay ng akusadong si David Donceras, kabarkada rin daw ng biktima:

Nasabing petsa, 11:45PM, pinabili siya ng ‘diaper’ ng asawa. Walang sukat ng diaper sa pinakamalapit na tindahan kaya’t pumunta siya sa ibang bilihan.

Naabutan niya dun ang mga nag-iinuman sa harapan. Pinatagay siya ni “Boyet” at isa pang lalaking dayo. Dahil New Year’s Eve, pinagbigyan niya ito.

Matapos ang dalawang tagay, dumating si Dodoy. Pinainom din siya ni Boyet. Nang aabutin na ang bote, isang umiinon din na di niya kilala na inaabot naman ang “pulutan” ay aksidenteng natabig ang bote kayat nalaglag ito.

Nagalit si Dodoy sa lalake at naglabas ng kutsilyo. Inawat ni David ang dalawa. Pinalayo niya ang lalake na siya namang kinagalit ni Dodoy.

Galit na galit ang biktima na kinailangan niyang pigilan ito. Nagalit si Dodoy kay David na masigawan siya nito, “Pare, hindi naman sinasadya yun!”

“T@#6 i#@ mo, wag kang makialam!” sagot daw ng biktima.

“Pare hindi naman sinasadya, palampasin mo na,” sabi raw ni David.

Sa pag-awat niya, sa kanya nabaling ang galit ni Dodoy. Patuloy pa rin daw umawat si David hanggang madikit ang likod nito sa mesa.

Inaatake raw siya ng biktima kaya’t sinipa niya ito. Napahiga si Dodoy, dumikit ang mukha sa lupa at nabitiwan niya ang hawak na kutsilyo.

Naagaw ni David ang panaksak matapos makipagbuno sa biktima. Habang hawak ang kutsilyo bigla siyang sinuntok ni Dodoy kaya’t nasaksak niya ito.

Nagbigay rin ng testimonya ang testigo ni David na si Rolando Velasco—parehong kakilala at kaibigan ni David at Dodoy. Ayon sa kanya bumibili siya ng ‘Red Horse’ ng mga oras na iyon napansin niyang may nagkakagulo sa Blk 16.

Nakita niya si Dodoy na may dalang kutsilyo, hinahabol ang akusado…nag-ikutan sila sa mesa. ‘Di na raw niya alam ang sumunod na nangyari.

Ilang taon ang tinakbo ng kaso. Taong 2008 ng isampa nila ang ito subalit ika-14 ng Oktubre 2013 ng ibaba ng RTC-Branch 73, Malabon ang Desisyon.

Nakasaad sa desisyon ni Presiding Judge Carlos M. Flores, mula kasong MURDER ibinaba ang kaso sa HOMICIDE dahil  sa mga sumusunod:

Sa ‘cross examination’, idiniin ng akusado na naagaw niya ang patalim subalit ‘di niya alam kung ilang beses niya itong nasaksak. Pinagtanggol lang daw niya ang sarili. Hindi raw niya alam na natamaan sa leeg at dibdib si Dodoy.

Ganun pa man sa ‘medico legal report’, sa dami ng tinamong saksak ng biktima kumukontra ito sa depensa niyang ‘self defense’.

Ang tama sa leeg at dibdib nito ay nagpapatunay lang na meron ‘intent to kill’ ang akusado.

Para itoy’ pasok sa ‘self defense’ kailangang ginawa mo lahat para pigilan ang taong gustong pumatay sa’yo at pahintuin ito. “To maim and neutralize but not necessary to kill” (pahintuin at dis-armahan pero ‘di para patayin).

Dahil inamin ni David na siya ang nakapatay kay Dodoy. Ang Korte na ang magtutukoy kung meron ‘treachery’ (pataksil) at pagplano (premeditation).

Sa kabilang banda, nabigo silang patunayan na ang pagpatay ay ginawa ng pataksil at pinagplanuhan. Ang akusado ay hindi maaring mahatulan ng kasong ‘Murder’ subalit nagkasala para sa krimeng ‘Homicide’.

 Ang tinalagang sentensya, walong taon (8) at isang (1) araw ‘Prison Mayor in its medium period, as minimum hanggang 14 na taong, walong buwan at isang araw .

Kinakailangan din magbayad ng akusado sa naiwang pamilya ng biktima: A.) halagang Php 50,000-death indemnity B.) Php 47,000 para sa funeral, burial (pagpapalibing).

Para naman sa hinihinging ‘moral damages’ ng mga kapatid ni Dodoy na Php500,000 halagang Php50,000 lang ang kanilang matatanggap para sa sakit at dusa na kanilang nadama.

Nitong huli sinabi umano ni Prosec. Lemuel Nobleza, tumayong abogado nila Mitch na bilang na sa walong taong sentesya ni David ang unang anim na taong pagkakabilanggo niya sa Malabon City Jail mula ng maisampa ang kaso.

Pangamba ni Mitch baka makalaya agad itong si David. Gusto niyang malaman ang legal na hakbang maaari pa nilang gawin  kaya’t nagsadya siya sa aming tanggapan.

Itinampok namin si Mitch CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, pinaliwanag namin kay Mitch na sa puntong nakulong ang isang akusado nag-uumpisa na ang pagbilang ng araw ng paglagi niya dun… sa simulang nailagay siya sa kulungan.

Ipinaunawa rin namin sa kanyang hindi na sila maaaring maghain ng Motion for Reconsideration (MR) dahil ang MR ay para sa akusado lamang. Kung hindi sila kuntento sa desisyon ng Korte. Meron ka lamang ng sampung (10) araw para maghain nito.

Pagdating naman sa nag-aakusa, sa puntong nagkaroon na ng desisyon ang kaso hindi na mapapalitan ito.

Sa pangamba ni Mitch na minimum 8 years ang sentensya kay David at halos anim na taon na siyang nakakulong at baka dalawang taon na lang makalaya siya, pinaliwanagan namin siyang hindi ganun kasimple na pagtungtong ng walong taon pakakawalan na siya.

Mahabang proseso ang paghahain ng apila para sa ‘Parole at Probation’.

Ang daming mga bilanggo na sobra-sobra na ang oras na minamalagi ‘di pa rin makakuha ng ‘parole at probation’. Mga maimpluensyang tao tulad ni Romy Jaloslos at Rolito Go, ilang taon ang hinintay at minalagi sa bilangguan kahit tapos na ang kanilang sentensya.

Possible siyang makalabas kung siya’y magpa-‘parole’ subalit  ito’y sasailalim pa sa mala-butas ng karayom na pagsusuri.

Sa huli, kailangan pang bayaran ng nahatulan ang mga danyos na inilagay ng korte para sa pamilya ng kanyang napinsala bago siya payagang makalabas.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. Mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

ANG KORTE

DAVID

DODOY

NIYA

PARA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with