^

PSN Opinyon

Pork barrel scam

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Ang lahat sa bansa ay biglang nagulat

si Janet Napoles ay biglang lumantad;

Nang siya’y sumuko siya ay umiwas –

sa maraming api’t may hawak ng batas!

 

Kaipala’y takot buhay n’ya’y mawala

kaya si Napoles biglang nagpasya;

Tanging sa Pangulo siya nagtiwala

at dito’y amining siya’y nagkasala!

 

Ang pork barrel scam na kanyang pinasok

salapi ng bayan ang kanyang inubos;

Hindi lamang siya ang dapat managot

sana sa imbestiga walang makalusot!

 

Ang naturang scam matagal na ito

nakapagtatakang ngayon lang nabisto;

Mga kongresista at nasa Senado –

matagal na palang tayo’y niloloko!

 

Ang awtor ng scam si Janet Napoles

ngayong sumuko na gagawin pang witness?

Ang dapat sa kanya ay agad mapiit –

habambuhay siyang doon ay manangis!

 

Hindi naman lahat – congressmen, senador

na sangkot sa scam huwag nang lulusot;

Ang dapat sa inyo’y parusa ng Diyos –

bangungutin kayo habang natutulog!

 

Buwagin ang congress – dahil sa masama

wala nang eleks’yon dapat isagawa;

Governors at mayors siyang mamahala

Pangulo’t Cabinet siyang mangasiwa!

vuukle comment

BUWAGIN

DIYOS

JANET NAPOLES

KAIPALA

NANG

NAPOLES

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with