^

PSN Opinyon

For the ‘funds’ of it

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SABI nila, ang pagtakbo sa isang pambansa o lokal na eleksyon ay isa ring siguradong paraan para magkamal ng malaking halaga.

Kaya kahit yung mga walang “k” ay nangangahas tumakbo sa eleksyon not for the fun of it but for the funds of it. Hurmm..I’m writing this just for the pun of it. Hehehe.

Maski papaano, ang mga taong ito ay nakakapag-solicit ng pondo mula sa mga nakukumbinsi nilang sumuporta sa kanila. Magagaling marahil ang bokadura sa pagkumbinsi o kaya’y may mga malalapit na kaibigang milyonaryo.

Kaya may mga napupuna tayo diyan na kandidatong may mangilan-ngilang poster lang at hindi nangangampanya. Yung perang  dapat gastusin nila sa kampanya ay ibinubulsa na lang.

Halimbawa, kung ang isang kandidato ay nakalikom ng P1 milyong campaign money, gagastusin sa ilang pirasong streamer at poster yung P200-K at ibubulsa yung natitira.

Kaya hindi lahat ng kumakandidato ay seryoso kundi ang hangad lang ay magkapera.

Ang gusto ng Comelec ay silipin ang ginastos na pera ng mga kumandidato noong Mayo 13 lalu na yung mga tumakbo sa pagka-partylist representatives at senador.

Ngunit hanggang sa ngayon daw ay wala pa ni isang kandidato ang sumunod sa Comelec. Ang pagsusumite nito ay isang batas na nakapaloob sa RA7166 na sumasaklaw hindi lamang sa mga nanalo kundi pati sa mga natalo noong eleksyon.

Ang tanong naman ay ito: Kung magharap ng statement ang mga kandidato, paano makasisiguro ang Comelec na ang mga ito ay tama?  Eh kung ang buwis ay nadadaya yung pa kayang statement of campaign contributions and expenses?

Sa tingin ko’y inutil ang batas na ito. Noon pang 1991 naisabatas ito at nagkaroon na tayo ng kawing-kawing na eleksyon pero walang kumandidato (panalo man o talo) ang sumunod sa batas na ito.

Dapat marahil ay alisin na sa poder ng Comelec ang pagbusisi sa mga statement na iyan at ilagay sa BIR para mabuwisan na rin yung tumabo nang malaking halaga sa kanilang pagtakbo. Grabeh!

vuukle comment

COMELEC

DAPAT

GRABEH

HALIMBAWA

HEHEHE

HURMM

KAYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with