^

PSN Opinyon

Ano kaya talaga ang pakay?

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

LAMAN ng balita ang tangkang pagpasok umano ng ilang mga pulis na kasama ni DILG Usec. Rico Puno sa condo unit ni Sec. Jesse Robredo, isang araw matapos bumagsak ang sinakyang erop­lano sa Masbate. Ayon sa kuwento, may mga tao umano na gustong pumasok sa condo, pero hindi pinahintulutan. Kinumpirma ni Atty. Leni Robredo, asawa ni Secretary Robredo, na tumawag nga ang kanilang kasambahay at sinabing may mga gustong pumasok sa condo. Hiningi ang tulong ni DOJ Sec. Leila de Lima para mabantayan ang mga dokumento ni Robredo. Ayon naman sa panig ng mga nagtungo sa condo ni Robredo, utos ni President Aquino na bantayan ang unit. Naalala ko noong mamatay si dating Press Sec. Cerge Remonde, may mga nagtungo rin sa kanyang bahay para kunin ang lahat ng dokumentong hawak niya. Nang panahong iyon, wala nang lumabas sa media ukol doon. Noon iyon. Iba na ngayon, di ba?

Kinumpirma naman ng Palasyo na may mga sensitibong imbestigasyon na ginagawa si Sec. Robredo nang siya’y pumanaw. Pero hindi na muna detalyadong pinaliwanag ng Palasyo ang mga ito dahil na rin sa uri ng impormasyon. Kaya nagbabaga ang usapin sa lahat ng sektor, kung ano ang tunay na dahilan sa pagpunta ng mga pulis at ni Puno sa condo ni Robredo.

Wala na siguro tayong magagawa kundi hin­tayin kung ano ang magiging bunga ng mga im­bestigasyong iyan ni Robredo. Kung matutuloy, kung uusad at kung ano pa. O baka wala na? Ang Palasyo na lang ang makakapagbigay liwanag sa isyung ito. Pero hindi talaga mawala ang ispekulasyon mula sa taumbayan. Natatawa nga ako sa mga komentaryo sa internet, na tila napakalikot ng mga pag-iisip. Medyo masama na nga at hindi dapat pinag-uusapan. Pero wala rin tayong magagawa diyan at internet iyan. Kaya relaks na muna tayo, at inaasahan ko, lahat ay lalabas din sa tamang panahon!

vuukle comment

ANG PALASYO

AYON

CERGE REMONDE

JESSE ROBREDO

KAYA

KINUMPIRMA

LENI ROBREDO

PERO

ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with