^

PSN Opinyon

Mabagal lang talaga

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

MASISISI ba ang asawa ng isang biktima ng Maguindanao massacre kung gusto nang manirahan sa Hong Kong, dahil ayon sa kanya, hindi na kaya ng gobyernong protektahan siya mula sa peligro, mula sa kamatayan? Ito ang pahayag ni Myrna Reblando, asawa ni Manila Bulletin reporter Alejandro Reblando na kasama sa 57 minassacre. Ayaw nang bumalik sa bansa dahil sa takot para sa kanyang buhay. Sa isang talumpati sa Foreign Correspondents’ Club (FCC), nagpasalamat siya sa gobyerno ng Hong Kong para sa pagtanggap at pag-alaga sa kanya. Nais nang humingi ng assylum sa gobyerno ng Hong Kong para hindi na bumalik sa Pilipinas.

Sabihin na natin. Tila pinahiya niya ang gobyernong ito sa kanyang pagpunta sa Hong Kong at paghingi ng assylum. Yung kanyang pahayag na hindi na raw siya kayang protektahan ng gobyerno ay bunsod sa isa-isang pagpatay sa mga testigo laban sa mga Ampatuan kaugnay sa nasabing massacre! Magtatatlong taon na ang Maguindanao massacre sa Nobyembre, at totoo nga na ilang mga testigo ang napatay na. Kahit nasa kulungan ang mga pangunahing miyembro ng pamilya Ampatuan na hinihinalang nasa likod ng pagpatay sa mga biktima, tila makapangyarihan pa at nakakahasik pa ng lagim sa Maguindanao!  

Hinihikayat ng gobyerno si Myrna Reblando na bumalik sa bansa, at bigyan sila ng pagkakataong patunayan na kaya nilang bigyan siya at lahat ng natitirang testigo at kamag-anak ng mga biktima ng kaukulang proteksiyon. Walang iba kundi si President Aquino na mismo ang nagsabing naiintindihan niya ang frustration ni Reblando, sa tagal ba naman ng inaabot ng kasong ito, at ang pagkamatay pa ng ilang mga testigo. Pero hindi ito puwedeng maging balakid sa paghanap pa rin ng hustisya para sa mga biktima.

Ganito na ang nangyayari dahil sa tagal inaabot ng paglilitis ng kaso laban sa mga Ampatuan kaugnay ang Maguindanao massacre. Sa Hong Kong pa nagpunta si Reblando, na bumalik dahil mga taga-Hong Kong ang biktima rin ng isang massacre na naganap sa Pilipinas. Ano na ang sinasabi nito ukol sa hustisya sa Pilipinas? Maaaring makamit naman ang hustisya, pero mabagal lang talaga. Ganun kabagal, na nawawalan na ng tiwala at pag-asa ang mga direktang apektado ng krimen. Kung isa-isa nga naman napapatay ang mga testigo, ano ang gagawin mo kung ordinaryong tao ka lang?

vuukle comment

ALEJANDRO REBLANDO

AMPATUAN

FOREIGN CORRESPONDENTS

HONG KONG

MAGUINDANAO

MANILA BULLETIN

MYRNA REBLANDO

PILIPINAS

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with