^

PSN Opinyon

Saludo ako sa'yo, Chairman Castaño

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KASAGUTAN na nga si Chairman Castaño sa ‘‘tuwid na landas’’ ni President Noynoy Aquino matapos nitong maibalik sa sigla ang Philippine Racing Commission (Philracom). Sa kabila ng mga problema na minana niya, muling sumigla ang karera. Sipag at tiyaga ang ginawa ni Castaño upang maresolba ang mga problema. Itinalaga siyang Philracom chairman noong Agosto 2011. Mula Lunes hanggang Biyernes, hindi siya nag-aabsent sa kanyang opisina upang harapin ang responsibilidad katulong ang limang commissioner sa pangunguna ni Engineer Jesus Cantos. Saludo ako sa’yo, Sir!

Kaiba si Castaño sa mga naging chairman ng Philracom. Hindi siya nakitaan ng katamaran at pang­hihina para resolbahin ang suliranin sa industriya ng karera. Sa siyam na buwan ng kanyang panunungkulan maraming nabago at patuloy na itinutuwid tungo sa ikauunlad ng karera. Sa pamumuno niya nabuking ang moro-morong pakarera dahilan kung bakit hindi umuusad ang industriya ng karera na ikinadismaya ng mga kariresta. Nakita ng mga mamumuhunan at horse owner ang sinserong pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng industriya.

Pinagtutuunan ngayon ng komisyon ang local horse breeding sa pamamagitan ng pag-angkat ng mga imported na kabayo na may de-kalidad. Suporta at pagbibigay ng insentibo sa pamamagitan ng paglalatag ng mga pakarera para sa mga imported na mananakbo upang makabawi sa puhunan ang mga horse owner at bree-ders. Nakikita ko sa pamumuno ni Castaño ang malaking pagbabago sa industriya ng karera.

vuukle comment

AGOSTO

BIYERNES

CASTA

CHAIRMAN CASTA

ENGINEER JESUS CANTOS

MULA LUNES

PHILIPPINE RACING COMMISSION

PHILRACOM

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with