^

PSN Opinyon

'Ang 'agimat' ni Ronald'

- Tony Calvento -

“MALALIM at mas masakit ang sugat na galing sa dila. Matagal maghilom at kadalasan di malilimutan.”

“Pokpok… Malandi at itiwangwang ko na lang daw ang p@k$ ko para may mapakain ako sa mga anak ko”.

Ganito daw kabastos na ‘text message’ ang nabasa ng isang babae mula sa bagong kinakasama ng kanyang dating ka-‘live in’.

Siya ay si Glorielyn “Lyn” Flores, 21 taong gulang ng Pasig City.

Inirereklamo niya ang ama ng kanyang mga anak na si Ronald Tepait. 28 anyos.

“Gusto ko tigilan ako ng babae niya dahil kahit hanggang madaling araw tine-text niya ako. Huwag na daw akong umasa dahil wala na daw akong makukuha galing kay Ronald”, sabi ni Lyn.

Mahirap lang ang buhay nila Lyn. Siya ang panganay sa walong magkakapatid.

Ang ina niya ay taga-walis at ang kanyang ama naman ay isang ‘driver’. 

“Gusto kong mag-asawa para makawala sa hirap ng buhay,” sabi ni Lyn.

Kaya’t sa edad na 18-anyos ay nakipag-live in siya sa nobyo niyang si Junel, 20.

Tumira sila sa bahay nito sa Ildefonso Bulacan.

Nagsama sila ng isang taon. Naghiwalay dahil nakabuntis ng iba si Junel

Nasaktan siya sa nangyari. Isang buwan siyang hindi kumain.

Isang gabi nanghula siya ng mga numero dahil naka-‘unlimited promo call’ siya. Marami siyang sinubukang kontakin. May number siyang na-dial at si Ronald na nga ang sumagot. “Hello, pwede ka bang maka-chat?” Inamin ni Lyn ang lahat. Ginawa niyang hingahan ng sama ng loob itong si Ronald. Nagkapalagayan naman sila.

“Kung talagang mahal mo ako ay puntahan mo ako sa Bulacan”, sabi ni Lyn.   Tumupad naman si Ronald. Sa unang ‘eye ball’ nila ay hindi sumipot si Lyn. Natakot daw siya at umaasa na baka bumalik pa si Junel.

Hindi sumuko si Ronald. Sinubukan niyang makipagkita pa rin kay Lyn. “Kapag hindi ka nakipagkita ngayon eh bahala ka na sa buhay mo!”, sabi ni Ronald.

Kinabahan si Lyn, ika-13 ng Mayo 2009, nakipagkita siya kay Ronald. Kwento daw ni Ronald na mala-Vic Sotto daw siya at ‘kissable lips’ daw ito. “Halos mabali ang leeg ko kakahanap ng mala-Vic Sotto na itsura”, wika ni Lyn.

Nang sila’y magharap malayo raw sa kapogian ni Vic Sotto kundi kamukha raw itong si Ronald ni Black Jack.

Tinulungan siya ni Ronald na makabalik si Lyn sa kanyang mga magulang sa Pasig. Siya ang gumastos ng pamasahe sa bus. Iniwanan siya ni Ronald ng Php2,000 pangkain at cellphone.

Ika-29 ng Mayo, nagsimula silang magsama. Naalala ni Lyn ang una nilang pagtatalik. Magaling daw trumabaho itong si Ronald. Bukod dito may agimat daw ito sa ari. Dalawang bolitas ang nakakabit na kakaiba daw ang pakiramdam kapag tinatamaan siya nito.

Nang mabuntis si Lyn sa kanyang panganay, dito na umano lumabas ang lahat ng panget na ugali ni Ronald.

Ilang linggo pa lamang pagkatapos niyang ma ‘Cesarían’, nagtalo sila ni “Patricia”,  kapatid ni Ronald. Reklamo raw ni Patricia, mula raw kasi nang makilala ni Ronald si Lyn ay hindi na ito nagbibigay ng pera.

“Natural may sarili ng pamilya ang kuya nila. Lahat kasi inaasa nila kay Ronald”, sabi ni Lyn.

Nagsapakan sina Lyn at Patricia. Kinampihan ni Ronald ang kapatid. Sinabunutan, kinaladkad at inilublob sa isang palangganang tubig. Inuntog-untog din siya sa pader at sinakal.

Sobrang hirap at pasakit daw ang naranasan ni Lyn. Umuwi siya ng Pasig at nangupahan. Sinundan siya nito at dahil mahal niya si Ronald pinatawad niya ito. Ayaw niyang lumaki ang anak na walang ama.

Nagsama sila hanggang mabuntis na naman ito. Nagtrabaho naman si Ronald ng mga panahon na yun bilang ‘documents manager’. 

Nagpaalam si Ronald na dalawang linggo siyang mananatili sa Bacolod dahil doon siya nadestino. Ang dalawang linggo ay naging dalawang buwan.

Ika-1 ng Nobyembre 2011, pinanganak ang bunso nila. Walong araw lang ay umalis na ulit itong si Ronald, naghintay si Lyn sa pagbabalik ni Ronald. Wala pa raw itong pera kaya hindi nakauwi ng araw ng Pasko.

Ika-27 ng Disyembre, umuwi si Ronald. Habang inaayos ni Ronald ang kanyang mga gamit, tumunog ang cellphone nito. Dinampot ni Lyn at nabasa ang text, “Nakaalis ka na pala, hindi ka man lang nagpaalam sa akin. Na-miss tuloy kita agad”.

Tinawagan ni Lyn ang babae. Nakilala niya ito sa pangalang “Ronalyn”. Sinabi nito na wala raw silang relasyon ni Ronald.

Sinapak siya umano sa mukha ni Ronald at inagaw ang cellphone. Umalis si Ronald at bumalik agad sa Bacolod.

Ilang buwan ang lumipas may tumawag kay Lyn. Isang lalaking nagpakilalang si “Daren”. “Nahuli ko ang mga asawa natin na nagse-sex. Nakahiga sa lapag si Ronalyn at nakapatong si Ronald”, sabi eaw ni Daren.

Pinakiusap ni Daren si Ronalyn kay Lyn. Nalaman ni Lyn na kaya pala sila nahuli ay dahil pinuntahan ni Daren ang asawa sa trabaho nito.

Nagtaka siya nang makitang nakasara ang 24 oras na tindahan ng hamburger na binabantayan ni Ronalyn. Pag-silip ni Daren, nakita niya ang kahalayang ginagawa ng kanyang misis.

“Pinigilan daw ni Daren ang galit niya. Umuwi siya at hinintay ang misis sa bahay. Ginulpi niya at pinakausap sa akin. Titigilan na raw niya si Ronald. Ang last sex nila ay noong January 17 pa”, sabi ni Lyn.

Nung una ayaw pang maniwala ni Lyn kaya tinanong niya si Ronalyn, ano palatandaan niya sa katawan ni Ronald.

“Dalawa ang bolitas ni Ronald sa ari niya,” sagot daw ni Ronalyn.

Nanlamig ang buong katawan ni Lyn sa galit. Mas nadagdagan pa ito nang malamang buntis si Ronalyn at si Ronald daw ang ama.

Hinarap ni Lyn ang asawa at inaway. “Sinungaling ka! Ang kapal ng mukha mong hayop ka! Sinusumpa kita! Kaibigan pala eh nagpakasawa ka doon sa burgeran,” sabi ni Lyn kay Ronald.

Sa tuwing magtatanong si Lyn tungkol sa ibang babae ni Ronald ay binubugbog daw siya nito. Umalis si Ronald at isang buwang hindi umuwi.

Ika-1 ng Abril, 2012 bumalik si Ronald. Wala ng tiwala si Lyn kaya’t tinignan niya muli ang cellphone ni Ronald habang ito’y natutulog.

Nabasa niya ang lahat ng text ng babae.“Hindi na talaga siya tumigil kakababae niya. Ang masama lang ibang babae na ito”, sabi ni Lyn.

Tinawagan ni Lyn ang numero at nagpanggap na siya’y kapatid ni Ronald. Sinabi nito na ang pangalan niya ay “Rizza Mae”. Hindi raw ito umamin at sinabing kaibigan lang niya si Ronald. Sa inis ni Lyn sinipa niya si Ronald para aminin ang totoo. Ang sagot daw sa kanya ay hindi niya kilala si Rizza Mae.

Nung gabing yun habang natutulog si Ronald, kinuha ni Lyn ang isang matalas na kitchen knife. Nilapitan ang asawa sa kama at tinignan niya ito mula ulo hanggang sa suot niyang brief. Tinabihan niya ito at dahan-dahan niyang hinila ang brief nito hanggang lumitaw ang aring may mga bolitas.

Nag-isip siyang mabuti habang hawak ang kutsilyo. Pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim….

Abangan EKSKLUSIBO sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON sa MIYERKULES ang karugtong ng istoryang ito. (KINALAP NI AICEL BONCAY) Sa mga gustong dumulog, ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

vuukle comment

DAW

LYN

NIYA

RONALYN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with