^

PSN Opinyon

Ang mahalaga

K KA LANG? - Korina Sanchez -

TAPOS na ang panig ng prosekyusyon sa kanilang pagpresenta ng kanilang kaso sa mga senador-hurado, sa impeachement trial ni Chief Justice Renato Corona. Hindi na raw nila isusulong yung mga iba pang artikulo na panlaban sana kay Corona, at pakiramdam nila ay malakas na ang kanilang kaso. Kung may bagong testigo o ebidensiya, ihahabol na lang daw. Nakita na natin ang panggagalaiti ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa panig ng prosekyusyon dahil sa maraming bagay, kasama na ang pagtigil nila sa pagsulong sa mga ibang artikulo. Narinig na natin ang kanyang mga makukulay na talumpati, panenermon at batikos sa ilang miyembro ng prosekyusyon. Kapag siya na ang magsasalita, siguradong masaya at makikinig ang mga tao, maliban sa isa. Nakita rin pala nating magsalita si Senator Lapid. Kailangan banggitin iyon.

Nakita natin ang pagtakip ni Atty. Vitaliano Aguirre ng kanyang tenga habang nanenermon si Sen. Santiago. Hindi niya talaga tinago ang kanyang ginawa, kaya lalong nanggigil si Santiago! Pinagalitan si Aguirre ng Senado, pero hindi na raw ikukulong. Masaya si Aguirre, galit pa rin si Miriam. Hindi natin narinig ang testimonya ng isang tiga Philippine Air Lines, dahil hindi ito pinayagan ng korte. Hindi rin natin nakita yung mga dollar na deposito umano ni Corona. Hindi pa natin naririnig ang mga testimonya ng panig ng depensa, kung paano nila ipagtatanggol ang kanilang kliyente. Baka ilabas na rin ni Corona yung kanyang mga dollar para patunayan daw na wala siyang tinatago.

Sa kahabaan ng pagdinig ng kasong impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona, marami na tayong nakita, narinig at hindi narinig. Nakita rin natin kung paano gumagana ang isang hukuman, kung saan may mga okasyon o sitwasyon na hindi natin maintindihan. Kung bakit pinayagan ito, bakit hindi pinayagan iyon. Hindi naman tayo abogado para maintindihan lahat ng mga kilos at pagkontra ng magkabilang panig. Ang mahalaga lang naman sa taong-bayan ay kung nagkasala nga ang punong mahistrado. Kung lumabag siya sa batas batay sa ebidensiya at testimonyang ihinarap ng mga prosekyusyon. At kung mapapatunayan naman ng depensa na wala siyang ginawang kasalanan. Linalagay ng buong bayan ang tiwala nila sa mga senador-hurado na maglabas ng tama at tapat na desisyon, kahit may mga kanya-kanya na tayong opinyon hinggil sa kaso. Ang mahalaga ay ang katotohanan. Wala nang iba. Sana lumabas na nga.

vuukle comment

AGUIRRE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

KUNG

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

NAKITA

NATIN

PHILIPPINE AIR LINES

SENATOR LAPID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with