^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pilipinas, nangunguna sa 'takaw-disaster'

-

NUMBER one ang Pilipinas sa pinaka-maraming dinanas na mga kalamidad at malalagim na disaster­. Isa sa pinaka-malagim na disaster ay nangyari noong nakaraang Disyembre 17, 2011, nang wasakin ng baha dulot ng bagyong “Sendong” ang Cagayan de Oro City at Iligan City. Nasa 1,400 ang naitalang namatay sa baha na nagwasak sa ma­raming bahay, tulay, kalsada, mga gusali, paaralan at marami pang iba. Mga troso ang sumagasa sa bahay kaya nawasak.

Sa report ng United Nations International Strategy for Disaster Reductions, nagkaroon sa Pilipinas ng 33 malalaking insidente na grabeng nakaapekto sa mamamayan noong 2011. Ang pagbaha na dulot ng bagyo ang karaniwang tumatama sa bansa. Taun-taon,­ may mga grabeng pagbaha at lagi namang hindi nakapaghahanda ang mamamayan. Hindi na sila nagkaroon ng leksiyon gayung marami nang pangyayari na bumaha nang malaki at maraming napinsala.

Hindi nagkaroon ng leksiyon sa bagyong “Ondoy­” na isa rin sa pinaka-mapanganib na bagyong nananalasa sa Metro Manila. Kahit pa marami nang namatay sa mga nangyaring disaster sa nakaraan, wala pa ring paghahanda ang marami. At ang resulta­, natangay sila ng baha. Ang ilan ay himalang naka­ligtas samantalang ang karamihan ay tinangay hanggang sa laot. Nang bumaha sa CDO at Iligan, may mga bangkay na natagpuan sa karagatang malapit sa Bataan. Milya-milya ang layo. Gabi nang manalasa ang baha at nasa kasarapan ng tulog ang mamamayan.

Sumunod na mga bansa na “takaw-disaster” ang China, United States, India, Indonesia, Guatemala, Mexico, Japan, Brazil, Bangladesh, Nigeria, Peru, Thailand at Vietnam.

Kulang sa paghahanda ang pamahalaan. Kahit pa magsunud-sunod ang mga hagupit ng unos at kalamidad kung handa naman ang gobyerno, maliit ang porsiyento ng mga mamamatay. Kung may plano sa panahon ng emergency, kaunti lang ang casualties. Pero hindi nga handa kaya paulit-ulit lang ang pagbubuwis ng buhay ng mamamayan. Sana makapaghanda. Ngayon pa lang simulan na habang maganda ang panahon at wala pang babala ng pagsungit ng kalikasan.

vuukle comment

DISASTER REDUCTIONS

DISYEMBRE

ILIGAN

ILIGAN CITY

KAHIT

METRO MANILA

ORO CITY

UNITED NATIONS INTERNATIONAL STRATEGY

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with