^

PSN Opinyon

Planong panggugulo ng police official

Panaginip Lang -

ISA sa opisyal ng Philippine National Police (PNP) na iniimbestigahan kaugnay ng mga helicopter na binentang brand new pero laspag na ang nagpatawag ng meeting sa Boni High street sa Fort Bonifacio dalawang Huwebes na ang nakararaan. Ginawa ang meeting sa coffee shop na kinabibilangan ng sampu pang mga opisyal ng PNP.

Pinakikiusapan niya ang mga dating bata niya na kung maaari raw silang magplano ng isang “diversionary measure” na maglalayo sa attention ng publiko sa public hearing na ginawa noong nakaraang Martes kung saang positibong tinuro ng dalawang negosyante si Sir Mike na may-ari ng dalawang lumang helicopter na pinagbili sa PNP.

Positibong nakilala ang opisyal na nagpatawag ng meeting na ito na umaasang tutulungan siyang lumusot sa gusot na maaaring magdiin sa kanya kung hindi niya aaminin ang katotohanang napag-utusan lamang siya ng isa pa niyang boss na inorderan naman ni Senyor Mike. Walang sumunod sa request niyang diversionary measure ayon sa sources dahil alam naman nilang iligal ang pinaggagawa ng dati nilang hepe at malinaw din sa kanila na wala na ang mga backer ng dati nilang hepe.

Kung may sumunod naman daw ayon sa aking sources, ay madali naman ma-neutralize dahil monitored naman daw lahat ng kilos. Ilan sa mga naimbita ang nagsumbong pa sa kanilang mga hepe na ayaw naman magamit sa pulitika kaya gagawin lamang ang trabaho nila. Ang opisyal na ito ay magaling sumipsip sa nakaraang administrasyon at kilala rin bilang isa sa pinabibiyahe sa Hawaii.

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]

vuukle comment

BONI HIGH

FORT BONIFACIO

GINAWA

HUWEBES

ILAN

NAMAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SENYOR MIKE

SIR MIKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with