^

PSN Opinyon

Ang boykot sa Senado

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MARAMING mahalagang panukalang-batas ang hindi napagtibay dahil sa boykot ng “minority bloc” sa Senado noong Miyerkules na nagresulta sa kawalan ng quorum. Ito ang malungkot na sinabi ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

Ayon kay Jinggoy, naging mas kapaki-pakinabang at produktibo sana ang kanilang huling araw ng sesyon para sa pagpasa ng mga bagong batas kung hindi umabsent ang ilang senador. Maraming nagsasabing natakot daw ang mga “minority senator” sa nakatakdang botohan sa kontrobersya sa C5 road extension project kaya hindi     sila dumalo sa sesyon.

Isa aniya sa mga nasayang na panukalang matagal pinaghirapan at ipinursige ng Senado ay ang Philippine Immigration Act of 2009 na magpapalakas sa 70 taon nang batas na gumagabay sa Bureau of Immigration.

Nasayang din ang panukalang pag-extend sa Congressional Commission on Science and Technology, ang Philippine Tax Academy, ang Special Education Act at ilang lokal na batas para sa pagdaragdag ng mga huku­man, mga mataas na paaralan at mga district hospitals sa mga lugar na kulang-na-kulang sa serbisyong legal, edukasyon at medikal para sa mga mamamayan.

Nakatakda rin sanang talakayin noong Miyerkules    ang panukalang paglalagay ng “picture-based warnings” sa mga pakete ng sigarilyo, ang Anti-Prostitution Act, Provincial Water Utilities Act, pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan, pagpaparusa sa mga sangkot sa “enforced at involuntary disappearance”, Emergency Medical Services Systems Act, at marami pang iba. Bukod dito ay natalakay din sana ang report tungkol sa NBN-ZTE deal investiga-tion na ginawa ng Blue    Ribbon Committee.

Sa usapin ng C-5 road controversy, kailangan na­man talagang malaman ng publiko ang kabuuan ng naturang isyu. May sapat na pagkakataon sana ang aming kaibigang si Sen. Manny Villar na maipali­wanag nang husto ang kanyang panig sa isyu kung nakibahagi siya at ang ibang minority senators     sa talakayan tungkol dito, laluna nga noong huling araw ng sesyon.

vuukle comment

ANTI-PROSTITUTION ACT

BUREAU OF IMMIGRATION

CONGRESSIONAL COMMISSION

EMERGENCY MEDICAL SERVICES SYSTEMS ACT

MANNY VILLAR

MIYERKULES

PHILIPPINE IMMIGRATION ACT

PHILIPPINE TAX ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with